"Ha?! Hindi pwede Marcus! Hindi papayag si Dad! Please Marcus hayaan mo muna ako dito," pakiusap ko sa kanya. "No! Hindi ako papayag. May karapatan akong magdesisyon dito, dahil anak ko ang dinadala mo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo Princess, mamimili ka. Titira ka dito kasama ako? O uuwi ka na kasama ako?!" mariing sabi nya sa akin. "Kakausapin ko muna ang Pamilya ko Marcus. Hindi ito isang bagay na ako lang ang pwedeng magdesisyon sa pagtira mo dito sa bahay," sabi ko dito. "Okay I will wait for you here," sabi nito bago ito umupo at komportableng humiga sa kama ko. Dahan-dahan ko binuksan ang pinto at lumabas. "Where is that B...st...ard?!" galit na tanong ni Dad. "Ah eh Dad sasama nalang po ako kay Marcus bago pa po lumaki ang gulo. Kasi kapag hindi ako sumama eh dito sya titira s

