Sofia's POV Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko ng tumunog ito. Pero nadismaya ako ng si Ric ang nakita kong nagtext sa akin. Alam kong mali na maiirita ako kasi kaibigan ko sya, pero hindi ko lang mapigilan kasi dahil sa kay Marcus. "Hi Sofia! Busy ka ba ngayon? Pwede ba kitang puntahan sa bahay nyo at dalhin itong mga prutas na pinamili ko. Balita ko kasi may sakit ka," sabi nito sa text. "Naku Ric pasensya na pero bawal kasi akong dalawin magagalit ang Papa ko," tanggi ko dito. "Ganun ba okay sige si Tricia nalang ang papuntahin ko diyan para hindi ka mapagalitan. Magpahinga ka muna ha para gumaling ka agad bago pa magstart ang school fair natin," paalala nito s akin. "Princess? How are you?" tanong sa akin ni Dad. "Hi Dad I am okay, medyo hilo lang at mabigat ang pakiramdam k

