NAPAIYAK na lang si Paloma sa pananahimik nina Buhawi pero medyo nakaka-distract ang mabantot na amoy na kanina pa niya naaamoy. “Renaaa!!! Bakit mo kami iniwan?! Alam ko, palagi tayong magkaaway pero kaibigan pa rin ang turing ko sa’yo! Rena!!!” Malakas na palahaw niya. “Gaga! Hindi pa ako patay! I am alive! Buhay na buhay!” Mula sa kung saan ay narinig niya ang boses ni Rena. “Rena?” Iginala niya ang paningin sa buong kulungan at nakita niya ito na lumabas sa isang parang maliit na banyo. “Hindi pa patay si Rena, Paloma. Tumatae lang siya!” sagot ni Violet. “Leche! Kaya pala kanina pa mabaho dahil sa tae mong babae ka! Kahit zombie mamamatay sa amoy ng tae mo! Kahit kailan talaga, ang balahura mong babae ka!” sigaw ni Paloma kay Rena. Hindi niya naman kasi alam na may taehan pala sa

