Maaga ako nagising araw ng martes, mamayang hapon kasi ay babalik na ako ng syudad.Nagbonding kmi ng mga pinsan ko na nakatira rin sa bahay ng lola at lolo ko.Si mama,papa at mga kapatid ko ay pansamanta ring nanunuluyan sa bahay na ito habang hindi pa tapos ang maliit na kubo na pinapagawa nina papa ilang metro lamang ang layo.Malaki ang bahay ng grandparents ko kaya kahit marami kaming tumitira dito ay maluwang parin naman.May tatlong malalaking kwrto sa second floor,dalawang kwarto sa groundfloor,at sa underground naman ng bahay ay tatlong malalaking kama na sinadya para sa aming mga apo kong maisipan naming matulog dito o di kaya'y magbakasyon dahil ang ibang mga tiyahin at tiyuhin ko na nakatira na sa ibang lugar.
Naging masaya ang buong umaga namin dahil sa kwentuhan at tawanan sa labas ng bahay.Nakakaaliw ang lolo ko dahil sa panunukso niya ky lola.Naging mabilis ang oras at matapos kong mananghalian ay nagpaalam na akong bumalik ng syodad.Sinamahan ako ng dalawa kong pinsang sina Remi at Myra sa paglalakad patungon bayan.Masyadong kaming maingay sa daan na para bang wala ng bukas ang kwentuhan namin at hagikgikan na kahit ang mga tao sa mga bahay na nadadaanan namin ay napapatingin sa amin.
"Cous alam mo kahapon ikaw lang ang bukang bibig ni Erick habang tumatambay sila sa labas ng sari-sari store.Pinagtatawanan ng namin kasi nanghihingi ng number mo pero hindi namin binigay".ani Remi.
"Oo ate na inlove daw sayo,ang ganda mo daw kasi."singit naman ni myra sabay tawa ng malkas.
"Tssk!bakit di sa dumeretso sa akin?. As if naman nakakapagsalita or nakikipag usap pag nandiyan ako." Sagot ko habang nakataas ang kilay.
"Oo ng pero kong ibida ka niya kahapon eh wagas na wagas at balak ka daw niyang ligawan!".Napangiwi nalang ako at nakitawa narin sa usapan.Ganun ang naging takbo ng usapan namin hanggang sa makarating na kmi paradahan ng jeep patungon syodad ng iloilo.
"Bye cous,umuwi ka sa birthday ko ha para masaya!" Sabay ngiti at kaway ni Remi ganun din si Myra.Tumango ako at kumaway pabalik sa kanila ng papaalis na ang jeep na sinasakyan ko.
"Hi J,Pabalik na ako ng city sa Robinson nalang tayo magkita".mensahi ko kay John bago ibalik ang cellphone ko sa aking shoulder bag at pinikit ang aking mata.
Walang nakakaalam na may boyfriend na ako kahit mga kaibigan ko at mga malalapit na pinsan ay hindi ko sinabi sa kanila.Kahit mga magulang ko ay walang alam dahil sigurado akong magagalit sila lalong lalo na si papa pagnalaman niya.
Si John ay naging kaklase sa college.Nagkakilala kami sa unang araw ng enrollment dahil sa pagsasabay namin sa registration office,nagkakwentuhan at nagsabay sa lunch.Gwapo si John,matangkad, maputi,palangiti at palakaibigan kaya naging magaan agad ang luob ko sa kanya sa unang araw na magkakilala kami.Sa unang araw ng pasukan ay hinanap niya din ako at naging sitmate pa sa lahat ng subject namin dahil narin sa pagsunod niya sakin kong saan ko gustong maupo.Sa unang lingo ng klase ay lagi kaming napagkamalan ng mga kaklase namin na magboyfriend kahit na mga teacher namin dahil sa closeness naming dalawa pero klinaro din namin na nagkakilala lamang kami nuong enrollment at naging magkaibigan lamang kami dahil sa magkasama kaming nag enrol .Hindi nagtagal ay nanligaw din naman sa akin si John at sinagot ko siya pero hindi naman nalaman ng mga kaibigan at kaklase namin dahil sa parang naging normal nadin naman sa lahat ang closeness namin.Mahigit isang taon ko na siyang boyfriend,at kahit nahinto ako sa pag aaral ay naging maayos naman ang relasyon nmin.Siya ang naging sandalan ko sa mga panahong naghihirap ako dahil sa pagpapabaya ni papa sa pag aaral ko dahil sa pagkakahumaling niya na naman sa ibang babae.
PAlagi kaming nagkikita kami sa mall o di kaya'y namamasyal sa ibang parte ng syodad bago siya umuwi.Hindi naman nagtatanung sina uncle Noel at aunty bibi sa pag alis ko lagi ng bandang alas kwatro sa bahay nila kahit na alas diyes ng gabi hanggang alas syete or alas otso ng umaga ang pagbabantay ko ng karenderya ng kapatid nilang c aunty Alma na panganay na kapatid ni papa.
"Namiss kita,subra!"yakap sa akin ni John sabay halik sa pisngi.Ngumiti ako at niyakap narin siya.Magkahawak kamay kaming pumasok sa isang fastfood at duon na nagkwentuhan ng mahigit dalawang oras.Sinusulit namin ang oras dahil sa hindi kami nagkita ng buong linggo dahil sa marami siyang ginagawa nuong nakaraan sa school dahil sa defense nila at ako naman ay umuwi sa probinsya ng ilang araw.
"I love you,ingat ka dito palagi at message mo ako mamaya hah,wag mo rin pansinin ang mga tambay diyan sa tabi tabi dahil alam kong maganda ka at natitipuhan ka nila."Habilin ni John sa akin bago siya magpaalam ulit at tumalikod na para umalis.Napangiti nalang ako sa kanya dahil lagi kong naiisip na ang swerte ko kahit na marami ang nagkakagusto sa kanya sa school ay ako ang napili niya.Magkasundo at open kami sa maraming bagay at kahit na seventeen palang ako at nineteen palang naman siya ay masasabi kong nadadala amin ng maayos ang relasyon naming dalawa at naging advantage narin siguro na walang nakakaalam sa ngayon ng tungkol sa amin.