"Umuwi kana ng probinsiya at tulungan mo ang mama mo duon at ng masamahan mo narin ang lola at lolo mo dahil nakalipat na tayo ng bahay".Iyon ang minsahing bumungad sa akin umagang umaga na nanggaling ky papa.Matagal kong tinitigan nag minsahi niya.Napabuntong hininga ako at tumayo na para makapagpaalam ky aunty na umuwi na sa bahay nina uncle Noel.Lumilipad ang isip ko dahil sa kagustuhan ni papa na umuwi na ako at wag na magtrabaho sa syuidad.Pag umuwi ako ng probinsya ay paniguradong minsan nalang kami magkikita ni J at naiisip ko rin na baka hindi na ako makabalik sa school na dati kong pinasukan.Gusto ni papa na duon nalang ako sa college sa bayan mag-aral sa susunod na pasukan.Naiisip ko ang maaring mangyari.Hindi ako sanay sa buhay na mayrun sa lugar nina mama at lalong nasanayan kuna ang buhay dito sa syiudad kaya nag aalangan ako sa mga naiisip ko.
"Hindi ba pwede na dito ka nalang mag aral"panimula ni J nang sinabi ko sa kanya ang kagustuhan ni papa.
"Tumawag siya nakaraan,yun ang gusto niya ang umuwi na ako at duon nalang magpatuloy ng pag aaral sa pasukan".nakayuko kong sabi sa kanya.Nalulungkot ako kasi nararamdaman ko ang mabigat niyang paghinga.
"Sundin mo nalang ang mga magulang mo love,makakapag adjust naman tayo sa huli.Pupuntahan kita sa lugar ninyo sa weekend at ipasyal mo nalang ako duon.Maganda duon diba,isang beses palang ako nakapunta duon".iyon ang sinabi niya sa matagal namin na pananahimik na dalawa.
Nilalaro kong ang daliri niya habang nakikinig sa mga sinasabi niya sa akin.Napahinto ako ng hawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ito.Mahigpit ang hawak niya sa akin.Hinalikan niya ako sa sintido at inamoy amoy ang buhok ko.Paburito niyang gawin ito sa tuwing nag uusap kami ng seryoso sa maraming bagay.Oo at bata pa kami pero ang relasyon namin ay maituturing na mature in a way dahil narin siguro sa pagiging mature din niya sa edad na 19.
Nang sumunod na araw ay kinausap ko si aunty sa gustong mangyari ni papa.Nalungkot man ang tiyahin ko pero naisip din niyang makakabuti sa akin ang sundin ang gusto ng mga magulang ko at umuwi na sa amin.
"Aunty December 24 ng hapon po ako uuwi sa amin at dadalhin ko narin lahat ng gamit ko".sabi ko ky aunty nang natanong niya ako kong kaylan ko balak umuwi.
"Oh sige Riza kong yan ang gusto mo".Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko matpos niyang kunin ang bayad ng babae."May ipapadala ako sayong mga pasalubong at pang Christmas niyo narin,basta pag may oras kay ay bumisita ka lang dito sa akin".ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy pa ang usapan namin hanggang sa nagpaalam na ito na uuwi muna at my e checheck daw sa bahay nila.
Kinuha ko ang cellphone ko at naisipang e message si C Remi."cous,uwi ko sa 24 ng hapon pwede niyo ba akong sunduin sa bayan?"
"Wow! talaga cous?sige sige sabihan ko si Myra at Nathan kami na susundo sayo." reply nito agad.Siguradong panay na naman ang reply nito sa mga textmate niya.
Binuksan ko ang minsahi ni J sa akin.Magrereply na sana ako sa kanya nang bigla nalng itong tumawag kaya nagmadali akong kunin ang akin earphone at sinagot ang tawag niya.
"Hello love" paunang bati niya sa akin.
"Hi J sorry at hindi kita nareplayan agad nag usap kasi kami ni aunty.Magrereply narin sana ako sayo kaya lang.." nabitin ang sasabihin ko ng bigla niyang pinutol ang pagpapaliwanag ko.
"I love you" sabi niya sa kabilang linya.May bahid ng ngiti ang kanyang sinabi.
"I love you more."sagot ko sa sa kanya sa mahinang boses dahil ayokong marinig ng kahit sino ang sinasabi ko sa kanya.
"No love,I love you more,no more arguments about that!" Natatawa niyang wika.Tumawa narin ako sa usapan namin at nagpatalo nalang dahil sa hanitong usapan hindi talaga siya magpapatalo sa akin.
Inabot ng mahigit isang oras ang usapan namin kaya ng makita kong malalim na ang gabi ay ako na mismo ang tumapos ko na ang usapan namin dahil alam kong hindi niya ibababa ang cellphone niya kong hindi ko siya uunahan magpaalam.May pasok pa siya kinabukasan kaya ayukong masyado siyang nagpupuyat sa pakikipag usap sa akin gabi gabi.