"Cous!"napabaling ako sa gilid ng my tumawag sa akin.Nabigla ako na talagang sa paradahan ng jeep ako inabangan ng mga pinsan ko.Ngiting ngiti ang mga ito sa akin habang papalapit sa kinatatayuan ko.
Ngumiti ako pabalik sa kanilang tatlo pero napatingin sila sa likod kaya alam ko na agad kong sino ang kanilang tinitingnan.Makikita ang pagtataka sa kanilang mukha dahil nararamdaman ko ang lapit ng katawan ni J sa likod ko habang ang ibang pasahero ng jeep ay naglalagad na paalis ng lugar.
"Kanina pa kayo?"tanong ko sa kanila.
"Ah...oo cous kanina pa kami rito,mas inagahan talaga namin ang pag punta at my binili pa kaming grocery" sagot ni Remi na ang paningin ay pabalik balik sa akin at sa likuran ko.Si Nathan naman ay tahimik na nakatingin ky J na parang isa itong malaking puzzle sa kanya.Samantalang si Myra ay panay ang sundot sa tagiliran ng mga kapatid.Well hindi ko rin sila masisi,wala silang alam tungkol ky J.Ni minsan hindi ko pa ito naekwento sa kanila.
"Siya ng pala mga pinsan" sabay hawak ko sa braso ni J. "Si John Davis Ferrer,kaklase ko sa college at boyfriend ko" pakilala ko sa kanila.
Walang nakapagsalita sa kanila kaya mas natatawa ako sa luob ng isip ko.Paniguradong mamaya nito ay maiinterrogate ako ng bonggang bongga pag wala na sa paligid si J.
"Hi" sabay lahad ni J ng kanyang kamay ky Nathan.Tinanggap ito ng pinsan ko.Kumindat pa ang loko kong pinsan na may nakakalukong ngiti para sa akin pagkatapos ng pagkikipagkamay nito.Kinamayan din ni J ang dalawang babae na biglang naging ngising aso din ang mga mukha sa huli.
Inaya ko sila na magmeryenda muna kami.Napagkasunduan din kasi namin ni J kanina na manatili muna siya ng kahit mga isang oras bago bumalik ng syiudad.
"Anung gusto niyo?" tanung ko sa mga pinsan ko nang naka upo na kami.
"fries at cola sakin cous" sabi ni myra.
"siomai naman yong sakin at paresan muna din ng cola cous"sabi naman ni Remi.
"sayo Nath?" baling ko sa kanya.
"libre mo ba?" nakangising sabi nito at pasimpleng tumingin ky J na busy sa patingin tingin sa paligid." fries at burger with sprite cous total libre mo to" sabay tawa ng kumag.Tumawa narin pati ang dalawa nitong kapatid.
"sige maghintay nalang kayo dito kami na oorder ni J"sabi ko sa kanila at niyaya si J na samahan ako.
Nang pabalik na kami sa aming mesa dala ang mga binili ay nakikita ko ang pagbubulungan parin ni Myra at Remi.Inayos namin ang mga pagkain at umupo narin.Magkaharap kami ni Nathan.Si J na nasa kaliwang gilid ko at myra na nasa kanang gilid ko at si Remi na nakaharap naman kh J ang.
"Oy,wag kayo mahiya ky J" pauns ko sa kanila dahil alam ko na hindi normal ang inaasta nila,siguro ay nanibago sila at di parin makapaniwala na may ipinakilala akong boyfriend ko sa kanila."One year and 2months ko nang boyfriend si J at wag kayo mag alala dahil alam niyang hindi niyo alam na may boyfriend ako,diba J?" patawa kong kwento sa kanila.
"Ikaw naman kasi binigla mo kami! umuwi ka na may kasamang gwapo! haha!! tapos pinakilala mo pa na boyfriend mo!" sabi sa malakas na boses ni Myra.
"Oo ng cous,as in nabigla kami!" pagsang ayon ng kapatid nito.
"Wala na" sabat ni Nathan habang natatawa narin sa usapan." Wala nang pag asa ang mga gusto manligaw sayo!" halakhak nito.
Tiningnan ko ang reaksyon ni J.Titig na titig ito sa pinsan ko at napangiti narin ng bumaling sa akin.Hinawakan niya ang baywang ko at bago magsalita.
"Paki bantayan naman tong pinsan niyo at pakibakuran narin para wala nang magtangkang manligaw sa kanya" sagot ni J,at nagtawanan nalang kaming lahat.
Tumagal pa ang usapan namin at ang mga pinsan kong babae ay nawili na sa pagtatanung ky J ng kung anu kaya natagalan kami matapos sa pagkain.
Sinamahan ako ni Remi sa paghatid ky J sa paradahan ng jeep samantalang nagpaiwan si Nathan para bantayan ang mga gamit ko.At si myra naman ay my binili pa muna sa palengke.
"J,merry christmas" lahad ko sa kanya ng regalo ko.
"akala ko makakalimutan mo nang ibigay yan"biro niya.
inismiran ko siya ng pabiro."Hindi ah...ngayo ko naman talaga balak ibigay yan".
"Salamat love,merry christmas din" sabay yakap niya sa akin ng mahigpit.
Yumakap ako pabalik at inamoy amoy pa ang damit niya. " hummm...ang bango mo talaga J"biro ko pa ng kumalas ako sa pagkakayakap nito.
"Syempre dapat laging mabango para sayo" sabay kindat nito sa akin.
"kikiligan na ba ako? hahahah".biro ko din sa kanya.
"sabay natin buksan mga regalo natin habang nag uusap tayo sa gabi love,hintayin mo tawag ko pagnakarating na ako ng bahay"
"ok,oh sige na pumasok kana sa luob mukhang aalis na ang sasakyan" paalala ko sa kanya.
"sige pasok na ako,bye" at bumaling din ito ky Remi na nakatayo di kalayuan sa akin. "Remi alis na ako,salamat at merry christmas. Pakisabi nalng din ky Myra at Nathan alis na ako."
"Sige John ingat ka sa biyahe" tugon ni insan.
"Si Riza ah pakibakuran niyo naman para sakin,mahal ko yan" seryosong pagsabi nito ngunit may bahid ng ngiti sa labi na pakiusap niya kay Remi.
"Walang problema cous John makakasaka hahahaha"napailing ako sa usapan nilang dalawa.
"Oh sige na sige akyat kana dun J aalis na oh tingnan mo"
"ok bye ulit.I love you love,ingat ka dito..dadalawin kita sa susunod na sabado" sabay yakap ulit sa akin ng mahigpit at hawak sa kamay ko bago tumalikod at pumasok sa sasakyan.
Kumaway ako sa kanya habang papaalis na ang sinasakyan nito.At ng mawala na ito sa paningin ko ay saka palang ako nag aya kay Remi na umalis.
"Ai kayo na ang sweet!,magkwento ka naman mamaya!may tinatago ka palang boyfriend!" hirit ni Remi sa akin.
"Baliw ka talaga,Tara na ng at naghihintay na ang dalawa sa ayin"sabi ko sa kanya .
Tumunog ang cellphone kaya tiningnan ko agad.
"I miss you already love" basa ko sa minsahe ni J.
Nereplyan ko agad siya. " Love yahhh"
"I love you more!!" sagot nito sa minsahe ko.
"