My apple want, my apple get

1063 Words

APPLE: KABADO AKO habang hinihintay si Claude sa kalapit na parke na napag-usapan namin kung saan niya ako susunduin. Halo-halong bagay ang mga tumatakbo sa isip kong ikinagugulo ng lahat. Panay ang buga ko ng hangin na kinakalma ang puso kong sobrang lakas ng kabog! Nahihiya ako kay Claude. Tiyak akong malaking iskandalo ang ginawa ni tita Christy na pag-aanunsyo sa publiko ang nangyaring pagbundol nito sa akin. Hindi lang siya kundi maging ang pamilya nito. Siguradong malaking kasiraan sa kanilang angkan ang aksidenteng nangyari sa pagitan namin. Napatayo ako sa kinauupuang bench na makita si Claude na parating. Malalaki ang hakbang nitong lumapit. Napalabi ako. Kahit nahihiya ako ay natutuwa pa ring nandidito na siya, at bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Baby" "Claude"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD