Chapter 2

1657 Words
Ang dahilan kung bakit umakyat ng bundok si braxin ay upang sanayin ang kanyang sarili. Napakataas ng bundok na kanyang inakyat kaya hindi nagtagal ay naabotan siya ng dilim at wala na siyang nakikitang daan. Kalmado lang ang paligid habang patuloy parin sa pag akyat itong si braxin, pagkalipas ng mga ilang sandali ay may naririnig na siyang mga yagapak pero hindi niya alam kung ano ang mga ito dahil sa dilim ng paligid. Walang takot na nagpatuloy sa paglalakad itong braxin sa malalim na kagubatan ng bundok. Ilang sandali ay may narinig syang ungol ng lobo sa malayong bahagi at biglang dumami at lumalakas ang ungol ng mga ito. Napagtanto ni Braxin na siya ay malapit na pala sa teritoryo ng mga lobo pero ang hindi niya alam ay nasa teritoryo na pala siya ng mga lobo. May mga yagapak siyang naririnig at itoy papunta sa ingay kung saan nangagaling ang ungol ng mga lobo. Medyo nagugutom na itong si Braxin at wala siyang mahanap na pwede kainin sa paligid kaya pumunta siya aa deriksyon kung saan nangagaling ang ingay. At naisip din niyang makipaglaban sa mga lobo bilang parte ng kanyang pagsasanay. Ng malapit na siyang makarating ay may narinig siyang ingay ng babae na humihingi ng tulong "saklolo!!! tulungan nyo ako!!! Umalis kayo dito!!!" nagtaka si Braxin "tulong pero paalisin din, ang gulo" kaya nag isip pa si Braxin kung tutulongan ba niya ito or umalis nalang at napag desisyonan niyang wag nalang tulungan at magpatuloy nalang sa pag akyat ng bundok (note: hindi pa nakikita ni Braxin ang kalagayan ng babae) sumigaw ulit ng tulong ang babae "tulungan niyo po ako" narinig ulit ni Braxin ang maingay na babae na nagmamakaawang humihingi ng tulong kaya agad itong pinuntahan na Braxin at nakita niya ang napakaraming lobo ang nakapalibot sa isang malaking puno at nakatingin ang mga ito sa itaas. Sampung minuto bago marinig ni Braxin ang ungol ng mga lobo "Pahinga nalang muna ako dito" sabi ng babae na nakasuot ng sumbrero na may tali ng makita niya ang malaking puno at sumandig siya sa malaking puno ng kahoy at dahan dahang umupo, "napakalamig ng paligid, ang sarap siguro pag ganito nalang palagi araw araw" at dahan dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata ng may marinig siyang mga yagapak, agad niyang ibinuka ang kanyang dalawang mata at tumayo ng bigla siyang nilusob ng mga mababangis na lubo, "recharge" hinihigop ng babae ang hangin papunta sa kanyang katawan "wind buff" biglang bumilis ang kanyang kilos at madali lang niyang naiilagan ang mga pag atake ng mababangis na lobo "wind blade: s***h" nahiwang bigla ang mga lobo na kanyang dinaanan sinabayan pa ng kanyang bilis at pagkalipas ng halos sampung minuto ay tumigil na sya sa pag aatake dahil siya ay napagod na pero may natira pang walong lobo. Napaatras ang mga lobo dahil natatakot sila na baka sila na ang isunod, umungol ng malakas ang isang lobo at ilang sandali ay umungol silang walo ng malakas. Narinig ito ng iba pang mga lobo kaya dali dali silang pumunta sa pinagmulan ng tunog. Ginamit ng babae ang kanyang natitirang lakas upang makaakyat sa malaki at mataas na puno. Hindi nagtagal ay nagsidatingan pa ang ibang mga lobo at dumami pa ito ng dumami, natatakot na ang babae dahil baka maisipan ng mga lobo na siya ay atakahin. Pagkalipas ng mga ilang minuto ay unti unti ng bumabalik ang kanyang lakas kaya tinataboy nalang niya muna ang mga lobo gamit ang kanyang kapangyarihan pero naisip niya na dahil sa dami ng mga ito ay baka di na siya abotan pa ng bukas kaya sumigaw nalang siya ng tulong kahit alam niyang wala naman talagang tutulong sa kanya, "saklolo!!! tulungan nyo ako!!! Umalis kayo dito!!!" sigaw siya ng sigaw, inuubos niya lang ang kanyang lakas at nawawalan na siya ng pag asa at sa huling pagkakataon ay muli siyang sumigaw "tulungan niyo po ako" at dahan dahang tumulo ang luha sa kanyang mata, mga luhang wala ng pag asa, napayoko nalang siya sa isang malaking sanga ng puno habang nakaupo at hindi na niya pinunasan pa ang kanyang mga luha bigla siyang nawalan ng malay at nawalan ng balansi kaya dahan dahan siyang nahulog at bumagsak ang kanyang huling luha sa lupa. Tiningtanan ni Braxin kung anong meron sa itaas ng puno at nakita niya na may babaeng nakaupo sa puno at unti unti na itong nahuhulog, inatake si Braxin ng lubo mula kanyang likoran pero agad niya itong naiwasan, kinuha niya ang kanyang kutsilyo at inihagis niya ito sa babae na malapit ng mahulog at tumama ito sa damit ng babae sa may bandang kili kili at tumarok ang kutsilyo sa puno ng kahoy kaya hindi nahulog ang babae. Tinalo ni Braxin lahat ng mga lobo gamit lamang ang kanyang kamay at paa sa pakikipag laban, madaming siyang sugat sa katawan. Tiningnan niya ang babae sa itaas ng puno "return" at bumalik sa kanyang kamay ang kutsilyo at nahulog ang babae at dahan dahan niya itong sinalo. Inilagay at pinupo niya ang babae sa ilalim ng puno ng biglang tumunog ang kanyang tyan "nagugutom na talaga ako" habang tinitingnan ang babae. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos ng lutuin ni Braxin ang babae ay ang lobo pala, kumain siya ng kumain hanggang sa siya ay nabusog at nagluto pa siya ng nag luto ng madaming lobo para itoy kainin. "Whooh sarap talaga mabuhay mag isa, walang kaagaw sa pagkain" habang kumakain at ilang saglit ay nagising na ang babae "Nasaan ako? Nasaan na ang mga lobo?" nagtatakang tanong niya sa sarili niya dahil sa pagkaalala niya ay nasa itaas siya ng puno at pinalibutan ng mga lobo, may naaamoy siyang masarap kaya agad niyang nadama na nagugutom pala siya. May narinig na kumakanta ang babae sa kabilang bahagi at pagkatingin niya may nakita siyang isang lalake na walang suot na pang itaas na damit "?sarap sarap sarap ng lobong masarap sobrang masarap ang lobong masarap (repeat 5times)?" habang kumakain si Braxin. Dahan dahang tumayo ang babae at lumapit ito kay Braxin "Uhm kuya? Salamat nga po pala sa pagliligtas sa akin" sabi ng babae na nasa likoran ni Braxin "Gising kana pala.." lumingon si Braxin sa likod at binigyan ang babae ng lutong karne ng lobo at tinanggap ito ng babae "Maupo ka rito at kumain ka lang ng kumain... Wag kang mahiya" lumapit ang babae at umupo ito sa bandang gilid ni Braxin pero medyo ma distansya "Maraming salamat nga po pala ulit kuya" tumingin ang babae kay Braxin "Walang anuman, sya nga pala wag mo akong tatawaging kuya tawagin mo nalang akong Braxin yan ang tunay kong pangalan, at ginawa ko lang naman kung ano ang tama kaya wag kanang magpasalamat ng magpasalamat" kain parin ng kain "Hehe okey okey po, Kliere nga po pala, labing pitong taong gulang" nakangiting sabi niya kay Braxin "Ow? Mas matanda pala ako sayo ng dalawang taon" "Kaya nga kuya nalang tatawag ko sayo" "Panget pakingan, kulit mo" "Ede wag mo pakinggan problema mo na yan" "Alam mo di bagay sayo pangalan mo" "Bakit mo naman nasabi kuya?" "Napaka pangbabae kasi ng pangalan mo dapat klir hindi kliere tingnan mo nga mukha kang tomboy tingnan hahaha" "Bat ka ba nakikialam ginusto ko bang ganto ipangalan sakin?" "Kalma kalma kalang tingnan mo lalong lumiliit yung ano mo oh" nakatingin si Braxin sa dibdib ni Kliere "Bastos" agad agad niyang tinakpan ang kanyang dibdib gamit ang dalawa niyang kamay "Di ako makapaniwala niligtas pala ako nitong bastos na to" dagdag pa niya na inis na inis at tumalikod "Ha? Ano nangyari sayo? Huy, klir" "Iwan ko sayo" "Hahaha ah nasaktan ka ba dahil sinabi kung maliit? Wag ka mag alala yung puso mo tinutukoy ko hahaha" "Wag ka magsalita baka malanghap ko hininga mong kadiri ka" inis na inis pa din sa Kliere At hindi na nga nagsalita si Braxin at pagkalipas ng ilang sandali ay wala paring kibo itong si Kliere habang si Braxin ay kumakain parin. "Much munch munch munch" "Yum yum yum yum" At pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na ring kumain itong si Braxin "Lord maraming salamat sa pagkain" "Marunong ka rin palang magpasalamat no?" "Alam mo klir, magpahinga na tayo gabi na" "Alam kong gabi na, mauna kana magpahinga baka ano pa gawin mo sakin pag tulog ako, hmph" "Ikaw bahala, goodnight" tumayo si Braxin at umakyat ito sa malaking puno at humiga ito sa malaking sanga Natakot si Kliere na baka atakehin siya ng mababangis na hayop kaya umakyat na din siya sa malaking puno at umupo siya sa isang malaking sanga na mas mataas sa position ni Braxin. Dahan dahang tiningnan ni Kliere si Braxin sa ibaba at nakita niya na nakapikit na ang mga mata nito. Tinitigan niya si Braxin at sa tagal niya itong tinitigan ay do namalayan na nawawalan na pala siya ng balansi at siya ay nahulog puno. "Ahhhhhhhh" malakas na sigaw ni Kliere habang nahuhulog, agad naman siyang sinalo ni Braxin "Pwede bang wag kang malikot at magpahinga ka ng tahimik" sabi ni Braxin habang buhat si Kliere "Hindi ko naman sinasadya eh" sabi niya pero nakapikit ang kanyang mga mata "Oh sya, magpahinga kana at wag kang maingay" inihagis ni Braxin si Kliere kung saan ito nangagaling "Waahhh, walang hiya ka Braxin papatayin talaga kitang hayop ka" sigaw ni Kliere sa himpapawid at sakto bumagsak siya sa sanga na kanyang pinanggalingan "Braxin pinapangako kong papatayin talaga kitang hayop ka" sigaw ni Kliere sa itaas at pagkatingin niya sa ibaba ay nakatulog na pala itong si Braxin "May patulog tulog kapang nalalaman hmph" dagdag pa ni Kliere Hindi makatulog si Kliere dahil takot siyang baka siya ay mahulog ulit kaya "Braxin, huy may multo" pero mahimbing na ang tulog ni Braxin kaya di niya marinig kung anong pinagsasabi ni Kliere "Hmph, bahala ka sa buhay mo" at sa buong gabi ay walang nagawang tulog si Kliere
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD