Nakarating sa labas ng gate ng palasyo si Winona, ngunit kinabahan sya ng lapitan sya ng 2 guardia.
"Mam, napaaga po ata ang inyong dating, ang pagkaalam po namin ay ala-una pa ang dating mga mga bisitang Koreano" wika ng isang guardia na lumapit sa kanya
Maya-maya ay lumapit ang isa pang guardia ay may ibinulong sa kasamahan. "Siya si Lisa, yong myembro ng Black Pink, cguro inimbitahan sya ng Palasyo upang mag perform dito,napakaganda nya"
"kaya pala familiar ang mukha nya, sya ang paborito ng anak ko sa Black Pink" tugon nito sa bulong ng kasama
Lalo naman kinabahan si Winona sa pagbubulungan ng dalawang guardia, nag-alala sya na baka nahalata sya. At Ibabalik sya sa loob ng palasyo
"Magpapicture tayo bro, pagkakataon na natin 'to. Hindi naman tayo makakapasok sa loob para manood sa performance nya" muling bulong ng isang guardia sa kasamahan
"Naunahan mo lang ako, yung nga ang sasabihin ko sayo. Mukhang mabait naman si mam, baka papayag na magpapicture tayo", wika nito sa kasama sabay kuha ng celfon at agad na lumapit kay Winona
"Mam, pwede po bang magpapicture kasama kayo, ikaw si Lisa ng Black Pink, di po ba?" wika ng guardia na masayang masaya dahil nakita ng malapitan ang inaakala nilang si Lisa
"Cge na mam, paboritong paborito kayo ng mga anak ko, matutuwa sila kapag nakita nila ang picture nyo na kasama ako", wika pa ng isang guardia.
Hindi na nakatanggi si Winona at agad ng nagpicture ang dalawang guardia na kasama sya.
"may ipapakiusap sana ako sa inyo, kung maaari ay wag ninyong ipopost sa social media hanggat narito pa ako, baka magkagulo ang mga tao. Gusto ko pang maglibot libot at i enjoy ang view dito sa labas, bago ako bumalik sa loob ng palasyo", pakiusap ni Winona sa dalawang guardia.
"Maaasahan nyo, mam, hindi po namin ipopost hanggat narito kayo, maraming salamat po at pinagbigyan nyo kami na makasama kayo sa picture". kinikilig na wika ng guardia.
"wag kayong mag-alala mam, hindi po namin ipagkakalat ang picture nyo hangga't narito kayo sa labas, napakaganda nyo po talaga mam, napakaswerte namin at kami ang duty ngayon dito sa labas ng palasyo", dagdag pa ng isang guardia. at agad ng nagpaalam si Princess Winona.
Naiwang kinikilig at tuwang -tuwa ang dalawang guardia . nagsuot na ng facemask si Winona at ng hindi na sya maabala sa pagtakas. sinuot na din nya ang kanyang shades. Nakahinga sya g maluwag ng may dumating na taxi, at agad syang sumakay.
"Manong sa airport po" wika ni Winona sa driver.
"Cge po madam", tugon naman ng driver at agad ng pinatakbo ang taxi patungo sa airport
Hindi na inalis ni Winona ang facemask hanggang makapasok sya sa boarding area ng eroplano. Business class ang kanyang ticket kaya walang gasinong tao sa waiting area. may 2 teenagers na nakita sya at nagbulungan ito, maya-maya ay lumapit na ito sa kanya at gusto ring magpapicture.
"Miss Lisa, I am Sharmaine and this is my twin Shanaiah, can we have a picture with you. We love you so much. We really love Black Pink" halos napapatalon na wika ng teenagers na kambal.
Sasabihin sana ni Winona na hindi sya si Lisa, kamukha lamang sya nito, ngunit hindi na nakatanggi si Winona at agad ng nagpicture ang kambal kasama sya.
Halos magtatalon sa tuwa ang kambal dahil sa nakapag picture sila kasama ng inaakala nilang idol nila na si Lisa.
Laking pasasalamat ni Winona ng marinig ang announcement sa boarding area
"All business class passengers of Qantas Airlines flight 764 bound to Sydney may now proceed to the boarding area."
Agad na tumayo si Winona upang makapasok na siya sa eroplano. Natigilan din ang flight attendant ng makita sya sabay sinabi nito "welcome to flight 764 Miss Lisa". Nginitian sya ni Winona na labis ikinagalak ng flight attendant.
Maganda ang passengers seat sa Business Class, talagang comfortable. Kahit walang balak matulog ay nakatulog si Winona. Mahaba-haba din ang byahe mula Europe hanggang Sydney, Australia. Aabutin ito ng 20 hours, Nagising si Winona na tila nakaramdam sya ng gutom. Hndi pa nga pala sya nakapaglunch. mabuti at dinalhan sya ng flight attendant ng pagkain sa kanyang pwesto.
Grilled Steak with brocolli ang pagkain at may Russian salad na paborito nya, kaya halos maubos nya ang pagkain. Binuksan ni Winona ang Tv sa harap ng passenger seat. Korean novela ang palabas Crash Landing On you. Aliw na aliw si Winona sa panonood na nawala sa isip nya kung ano na ang nagyayari sa palasyo kapag nalaman na tumakas sya. Muling nakatulog si Winona ng matapos nya ang pinapanood. Ayaw nyang mag-isip ng kung anu-ano tungkol sa nagyayari sa palasyo at baka mawala ang focus nya sa pagtakas.
Nang magising si Winona ay nakita nya ang tray na pagkain sa tabi ng upuan nya. Binuksan nya ito ay napangiti sya. Seafood pesto pasta ang snacks at may katabi pa itong cinnamon roll. Maya-maya ay kumatok ang flight attendant at inalok sya ng kape
"Miss Lisa, do you want some coffee or tea?"
"Green tea please", sagot ni Winona
"By the way, my name is SONG MEI LIN, I am not Miss Lisa of BlackPink. Marami nga ang nagkakamali sa kin, cguro dahil isa din akong Koreana" hindi na nakatiis si Winona kaya inamin nya sa flight attendant na hindi sya si Lisa ng BlackPink.
"Oh my GOd, I can't believe it. Kung hindi nyo po sinabi ay talagang si Miss Lisa ng BlackPink ang tingin ko sa inyo", tugon ng flight attendant
Kinuha ni Winona ang passport at ipinakita sa flight attendant "Here's my passport, my name is SONG MEI LIN and i am 24 years old, Lisa is 25. Her birthday is March 27. My birthday is August 19.
Naniwala na ang flight attendant ng ipakita nito ang passport sa kanya. "Pasensya na po Miss SONG MEI LIN, akala ko po talaga kayo si Lisa ng BlackPink"
"No problem, it happens most of the time, kaya lagi akong nagpifacemack at shades para hindi ako masyadong mapansin". Thanks for the snacks, I love it" nakangiting wika ni Winona
"Thanks you Miss SONG MEI LIN, it's a pleasure knowing you", tumango ang flight attendant at iniwan na si Winona
Chapter 7
The Search
Inip na ang Mahal na Hari na hintayin ang pagbaba ng anak, kaya inutusan nya ang isang katulong sa palasyong katukin sa kanyang kwarto si Princess Winona at sabihan ito a bumaba na.
Knock-knock-knock
Hangos na bumaba ang katulong ng walang sumasagot sa kwarto ng Princesa
"Mahal na Hari, nakalock po ang kwarto. Ng Mahal na Princesa. Kumatok po ako pero walang sumasagot, marahil ay. natutulog po ito" ulat ng katulong sa hari.
"Bakit nakalock, hindi naman naglalock ng kwarto ang anak ko,
Nagmamadaling umakyat si Queen Isabel, dala ang master key upangbuksan ang kwarto ni Winona.
" Knock, knock, knock", sunod sunod na katok ni Queen Isabel sa pinto ng kwarto ni Winona... Walang nagbubukas kaya Ginamit na nya ang master key.
Nakita ni Queen Isabel ang mga unan na tinakpan ni Winona ng blanket.
"Sabi ko na nga ba't tulog ka pa... Bangon na Winona at darting na ang mga bisita"
wika ng ina sa inaakalang natutulog na Princesa, sana'y hila sa blanket.
"What???" Anong ibig sabibin nito? ". Gulat wika ng Mahal na Reyna.. Naisip nya agad na tumakas ang Princesa. Dahil kung hindi ay bakit kailangan pa nyang gawin ang paglalagay ng unan na mistulang taong nakahiga.
"nawawala si Winona", natatarantang wika ni Queen Isabel sa asawa
"Ano????" Tawagan agad ang mga sundalo at siguraduhing nakalock ang lahat ng gate ng palasyo. Maaaring hindi pa sya nakakalayo"galit na wika ng Amang Hari
CHAPTER 8
"Passenger Miss SONG MEI LIN of Qantas Airlines flight 764, welcome to Sydney please proceed to to left wing exit mark S"
"Passenger Miss SONG MEI LIN of Qantas Airlines flight 764, welcome to Sydney, please proceed to left wing exit mark S"
Nagulat si Winona ang marinig ang announcement sa airport.
"Talaga itong si Wanda, akala mo mawawala ako, nagpa announce pa" bulong ni Winona sa sarili. Pero nagpasalamat na rin sya at hindi sya nahirapang hanapin ang kaibigan.
"Left wing exit, mark S", ito nga yun agad natunton ni Winona ang naghihintay na kaibigan.
"SONG MEI LIN, BESTIE" sigaw ni Wanda sa kaibigan
"Wanda, I'm here" tugon naman ni Winona
"oh my God, oh my God, Oh my God", totoo ba ang nakikita ko, bestie ikaw ba talaga yan? Akala ko si Lisa ng Blackpink" hindi makapaniwalang wika ni Wanda habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Winona. "Oh my God, this is it, you are indeed
SONG MEI LIN, you made it bestie, I'm so happy for you", masayang wika ni Wanda at niyakap nya ang kaibigan
"Salamat sa lahat ng tulong mo Wanda, I owe you a lot, you are indeed my bestfriend" naluluhang wika ni Winona sa kaibigan.
"Where's your luggage?" tanong ni Wanda
" I din't bring anything,except this", sagot ni Winona sabay taas ng backpack nya na nakasukbit sa likod na.
"Ahahaha, you are so clever, who would have thought na maglalayas ka kung ganyang wala kang dala kundi isang backpack" amazed na amazed na wika ni Wanda
"Kaya bukas, sasamahan mo akong magshopping, wala akong dala kundi 3 pirasong t-shirts" pakiusap ni Winona sa kaibigan
"Oh sure, we have to be early, maagang magsara ang mga shopping malls dito 7pm nagsasara na, pero sa Queen Victoria 9pm ang closing"
"Really?" then we have to leave after breakfast,pagkatapos kong mamili ng mga damit ko, mag grocery naman tayo" tugon ni Winona