After ng klase, gaya ng nakagawian. Pumunta sila Winona at Lawrence sa coffeeshop na kanilang tambayan, upang doon hintayin si Wanda.
"Winona, kelan mo planong bumalik sa inyo sa MonteBel Endroit?" tanong ni Lawrence na ikinagulat ng dalaga.
"Kapag, nabalitaan ko na nag-asawa na ang Principe ng Archamps" tugon nito
"Seryoso ka? Eh, paano ka? Paano ang buhay mo? May sariling kang buhay na hindi nakasalalay kung paano mauhay ang ibang tao? Paano kung hindi sya mag-asawa? Don't tell me na habang buhay kang hindi uuwi sa inyo?... Paano ang tungkulin mo sa Palasyo? Di mo ba namimiss ang Mama mo, ang Papa mo? "sunod-sunod na tanong ng binata.
"Tama ka naman, may sarili akong buhay at hindi nakasalalay kung mag-aasawa yung Principe ng Archamps o hindi. May tungkulin ako sa Palasyo na kailangan gampanan. Pati mga negosyo na sa akin na ipinamamahala ni Papa, hindi ko alam kung sinong naghahandle ngayon. At syempre sobrang miss na miss ko na sila Mama at Papa, kahit sobrang strict ni Papa, alam ko mahal na mahal ako no'n"
Kitang kita ni Lawrence ang lungkot sa mukha ni Winona at tila pinipigil lang nito na wag maluha.
"Anong plano mo? Gusto mo bang
makilala si Prince Alexander ng Archamps? Malay mo, magustuhan mo, eh di pwede ka ng magpakasal sa kanya" tanong ni Lawrence na tila hinuhuli kung ano ang isasagot ng dalaga.
"Hindi ako interesado" agad na tugon ni Winona. Bagay na kumurot sa puso ni Lawrence.
"Why, don't you give him a chance. Baka pag nakilala mo na mabuting tao naman sya, baka magustuhan, actually kilala ko sya. We know each other. I can make arrangements para makita kayo at magkakilala, malay mo ma in-love kayo sa isa't-isa, so happy ever after " masugid na pangungulit ni Lawrence may Winona, na sya namang ikinalungkot ng dalaga.
" Wala atang gusto sa kin si Lawrence at itinataboy pa nya ako para ma kilala si Prince Alexander, kainis" bulong ni Winona sa sarili.
"Hindi nga ako interesado" parang naiinis na wika ng dalaga
"Bakit, may iba ka bang nagustuhan kaya hindi ka interesado na makilala pa ang Principe? tanong ng binata
"Sort of".. Maikling sagot ni Winona.
Nakaramdam ng pagseselos si Lawrence at napaisip kung sino ang lalaking nagugustuhan ng Princesa.
"Ok, hindi na ako mangungulit, I'm just concerned, kasi mahirap mabuhay ng nagtatago"
At hindi na napigilan ni Winona ang pagluha. Naisip nya ang mga magulang na sobrang namimiss na nya. Pati si Nanay Anita na sana ay kasama pa rin nya ito kung hindi sya naglayas.
"I'm sorry, naku, wag kang umiyak Winona, baka isipin ng nakakakita sa 'tin, nakikipagbreak ako sayo" pabirong wika ni Lawrence
"Sira, napatawa mo ako dun, Di ko alam may pagkakomedyante ka pala" nahampas ni Winona ang braso ni Lawrence at tumawa ito.
"Mukhang ang sarap ng kwentuhan nyo ah, ang lakas ng tawa nyo pareho" bati ni Wanda sa kanila na naabutan silang nagtatawanan.
"Pa'no si Lawrence, bigla na lang umutot, ang lakas" biro ni Winona na sinakyan lang ni Lawrence
"Talaga? Ahahaha" nakitawa na din sa kanila si Wanda
"Saktong katatapos ko lang umutot, bigla namang nag burp si Winona" pabiro din sabi ni Lawrence
"Oh my God, mabuti Wala pa ako kanina" nakakahiya, ahahahaha"
"Ahahahaha " lalong lumakas nag tawanan nila dahil kay Wanda.