HABANG NAG lalakad siya malayo palang nakita na niyang nakabukas ang kanilang gate kayat dalidali siyang tumakbo papasok doon.
Mula sa pinto may mga nagkalat na mga gamit at ilang bubog sa bawat maraanan niya tumingala siya sa ikalawang palapag bago niya tinakbo iyon at pumunta kung nasaan ang silid ng kaniyang Mama.
Napabuntong hininga siya bago niya dinampot ang mga damit nitong mga nagkalat rinig niya ang mga hikbi nito.
"Mom... " Mabilis nitong pinahiran ang mga luha ng makitang naroon na siya.
"N-nami Anak nariyan kana pala. Kumain kana ba? Gusto mo bang ipaghain kita---"
"Pinapasok niyo nanaman po siya dito sa bahay tapos nakuha kananaman niyang saktan. " Galit niyang ani subalit umiling lamang ito.
"Hanggang kailan niyo sakin itatago ito? Na hanggang ngayon ay pinapapasok niyo' pa siya, at pinapapunta
dito. Hindi pa po ba kayo nag sasawa sa
kaniya Mom? "
"Nami Anak, mahal ko ang Daddy mo---"
"Bullshit. Mahal ba matatawag sa tuwing darating siya dito ginagawa ka niyang laruan! Sa tuwing bored siya ikaw ang laging takbuhan Mom! Kung mahal niya kayo ikaw ang pipiliin at hindi ka niya sasaktan. " Galit na galit niyang sabi dito.
"D-daddy mo parin siya Nami---"
"Mom! Tama na! Okay? Simulat sapul hindi siya nagpakatatay o nagpaka Asawa sa inyo' ayaw niyo pa kasing aminin na hindi kanaman talaga niya mahal ni Dad, at ako bunga lang ng isang gabing pagkakamali niya. "
"N-no.. Nami Anak don't say that hindi---"
"Mom naman, gumising na ho kayo sa katotohanan na Kirida ka lang Ni Dad at ako ay Anak sa labas! Tanggapin na ho natin yon na hindi siya magiging atin at hindi niya tayo ang pipiliin niya! "
Hinanakit niyang sabi bago pinahid ang mga luhang naglandas habang naka tingin dito at walang humpay sa pagiyak.
"Nagtiis ako kasi mahal ko ang Daddy mo ginawa ko lahat kasi buong akala ko ako ang pipiliin niya natakot ako na iwan niya, ako. Patawarin mo ako Nami dahil sakin hindi ka niya kayang ipakilala bilang sarili niyang Anak dahil sakin---"
"Shh.. Tama na Mom, noon palang tanggap ko na na hindi tayo ang pipiliib niya. Pakiusap ko lang sa inyo, wag niyo na po sanang papasukin siya sa pamamahay ko dahil sa oras na saktan ka niyang muli. Hindi ako makakapag pigil sasarili ko kung ano man ang magawa ko sa kaniya kahit siya pa ang Ama ko, "
"Wag, Nami, Pakiusap siya padin ang
Daddy mo---"
"Kapag sinabi ko Mom ginagawa ko sana sundin niyo ho, ang nais at pakiusap ko sa inyo. " Saka siya tumayo bago ito hinagkan at lumabas na sa silid nito.
Napakuyom na lamang siya ng mga kamao dahil sa kinikimkim na galit para sa kaniyang Ama.
Noon paman alam na niyang may hindi na tama sa relasyon ng kaniyang mga magulang, hanggang sa nagkaisip siya doon niyana nalaman ang lahat lahat, kayat simula non pinilit na niyang ilayo ang loob sa kaniyang Ama dahil noon paman ay hindi naman siya nakitaan nito bilang isang Anak sa tuwing dumarating ito sa bahay nila ni hindi manlang siya nito matingnan sa mga mata o ang batiin. Ni ang kamustahin ay hindi nito magawa.
Ano bang akala ng kaniyang Ama isang libangan lang ang kaniyang Ina? Na sa tuwing may hindi pagkakaunawaan ang mga ito at ang totoo nitong Asawa ay sa kaniyang Ina tatakbo para ano para ang kaniyang Ina ang magdusa sa galit nito na para dapat sa mismong Asawa nito saktan kapag gusto at mainit ang ulo nito.
Taon ang lumipas nag sumikap siya ni isang kusing ay wala siyang hiningi mula sa kaniyang Ama. Walaong taon siya ng makaisip ng paraan at pagkagaling sa school pumupunta siya sa kanilang kapitbahay na si Aling Mari upang tumulong na maglako ng mga kakanin kahit papaano inaabutan siya ng kauting barya sa kaunting barya na iyon ay bawat abot sa kaniya ay kaniya naman din iniipon kahit magkano pa iyon, para lang makaipon.
Dahil na ngako siya sa kaniyang sarilin noon na iaalis niya ang kaniyang Ina sa bahay na binili ng kaniyang Ama upang makalayo na din mula dito.
At Nang makapag High school siya sinikap niyang i-ahon ang Ina sa hirap nag Working students siya kahit hirap lumaban at nag ipon pa din siya alang-ala sa kaniyang Ina lahat ginawa niya. Sa pag susumikap niya nakabili siya ng sarili niyang bahay hindi man kalakihan sapat na para lang may matirahan silang mag Ina at hindi umasa sa perang ibinibigay ng walang kuwenta niyang Ama.
Kaya nga sila nag pakalayolayo upang makawala mula sa Ama pero ano at ganto nanaman ang nangyari.
Fuck! Pakiramdam niya mababaliw na siya dahil sa problema kung papaano niya muling makakaharap ang Ama at makausap ito upang mawala na sa landas nila ng tuluyan
"Damn! " Ginulo niya ang sariling buhok isa pa ang pinoproblema niya ang kaniyang Cellphone Tangina. Hindi niya makukuha iyon hanggat hindi siya mismo ang lalapit kay Hadji upang kunin iyon ng walang nagiging problema sa pagitan nilang dalawa.
Mukhang kailangan niyang lunukin ang pride para lang makuha yon dahil may mga mahahalaga bagay nanaroon sa Cellphone niya kayat kailangan na niyang makuha iyon mula sa binata labag man sa kalooban niya, lonukin na lang ang hiya.
"Peste! Ka Hadji kung bakit doon niyo' pa naisipang mag jerjeran ng babae mo tapos dinamay mo pa talaga Cellphone ko!? Argh! Buwisit! Bakit ba ang malas ko ngayong araw na ito? "
Kapag nakita kasi ng ilang mga babae na kausap ang kumag na yon ay matsismis pa siya laluna ang mga Fangirl kuno nito jusko! Baka mabully pa siya dahil lang sa pagaakalang nilalandi niya si Hadji.
My god.
Ano ba ang dapat niyang gawin? Kailangan niya na bang magpatulong sa mga kaibigan niya? Kay Sheen-sheen o di naman kaya kay Draken.
"Hays! Bahala na nga. "