HINDI KO alam kung ano ang tawag sa posisyon naming dalawa ni Lionel habang kumakain kami. Nakaupo lang naman ako sa kandungan niya habang nagsusubuan kaming dalawa. Ang awkward nang una pero pagkatapos lang ng ilang sandali ay tila normal na ang pakiramdam ko. Ang sabi ng asawa ko, gusto lang niyang katabi ako sa pagkain. Pinagbigyan ko na lang din dahil para itong isang batang nag-uungot ng isang bagay na nais makuha. Na-enjoy ko rin naman ang moment na iyon. Para kasi akong isang baby kung ituring ng mapamaraan kong asawa. Natapos kami sa pagkain matapos ang isang oras dahil may mga pagkakataon na nauuwi sa pag-iisa ng aming mga labi. “I love you,” ani ni Lionel. Hinawi niya ang buhok ko. Katatapos lang niyang maubos ang laman ng tasang hawak niya. Sa halip na sagutin siya ay niyaka

