ILANG ARAW na ang nakalipas ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko ang huling encounter ko kay Lionel. Kahit anong pilit ko na intindihin ang sitwasyon ay nuuwi lang ako sa pagbuntunghininga. Kung bakit kasi wala akong lakas ng loob na sabihin kay Daddy ang tungkol kay Lionel. Pakiramdam ko dehado ako. Malapit si Lionel kay Daddy at baka sa huli ay hindi rin ako paniwalaan ng sarili kong ama. Bagama’t malayo ang edad sa isa’t isa ay dinaig pa ako ng lalaking iyon pagdating kay Daddy. Mas madalas silang magkasama, mag-usap, magkwentuhan at magkasundo sa lahat ng bagay. Tila sila ang mag-ama at hindi kami.
Tinatamad na bumangon ako mula sa kama. Araw ng Sabado ngayon at walang pasok sa opisina. Magkukulong na lang ako sa silid ko maghapon dahil kapag sumapit na ang Lunes ay simula na naman ng nakakapagod na araw.
Sinuot ko ang robang nakasampay sa swivel chair. Mayroon akong maliit na office table kung saan ako gumagawa ng ilang mga trabaho na inuuwi ko mula sa opisina. Doon din ako nanonood ng mga movies o series kapag nagkukulong ako sa silid ko.
Tinungo ko ang pinto nang may kumatok. Tiyak na si Manang Carlota iyon dahil ito lang naman ang madalas na manggising sa akin kapag weekends. Sanay naman na ako. Ilang taon ng ginagawa iyon ni Manang na nagmistulang alarm clock ko sa bahay. Simula pagkabata ko ay siya na ang nag-alaga sa akin kaya kabisado ko na si Manang.
“Manang, ang aga ninyo naman po ako gisingin. May bisita na naman ba si Daddy?” pinihit ko ang seradura ng pinto saka binuksan. “Manang – “ Bigla akong natigilan nang mapagsino ang nasa harapan ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang matitigan ang mga mata nitong mariin na nakatitig sa mukha ko. “What are you doing here?” mataas ang boses na tanong ko.
“I'm just trying to – “ Natigil ito sa sasabihin at bumaba ang tingin sa sahig. Unti-unting tumaas iyon sa aking tuhod, hita patungo sa aking dibdib! Kinagat pa nito ang ibabang labi!
“You!” ani ko saka muling hinawakan ang seradura upang isara ang pinto. Literal na sinuri niya ako mula paa hanggang ulo! Agad nitong napigilan ang pasara na sanang pinto at saka walang kaabug-abog na pumasok sa loob ng silid ko at doon pa lamang isinara ang pinto. Ni-lock pa niya ito! “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Get out of my room now!” Pakiramdam ko ay may kung anong sasabog sa dibdib ko dahil sa gahiblang distansiya ng mukha naming dalawa.
“Is that what you really wanted, Miya?” Humakbang pa siya kaya napaatras ako. Sunud-sunod akong napalunok.
“You heard me.” Ilang atras na ang ginawa ko sa bawat hakbang niya palapit sa akin at hindi ko alam kung kailan ito titigil. This is wrong!
“Are you sure about that? The way you welcome me is quite opposite to what you are saying, Miya.” Pumikit ito saka sinamyo ang ilang hibla ng buhok niya na nasa kamay na pala nito. “Hmmn…” Kakaiba ang naging tinig nito sa kanyang pandinig. “You smell so – “
“Stop it, Lionel. Lumabas ka na sa silid ko, please,” pakiusap ko nang maramdaman ko ang gilid ng kama mula sa aking likuran. ”Nagkakamali ka ng iniisip.”
“You actually wanted to invite me in your room, right, Miya?” Malakas siyang napasinghap nang sapuin niya ang magkabilang pisngi ko. Sa gulat ko ay umatras ako ngunit iyon ang naging pagkakamali ko. Tuluyan akong bumagsak sa kama kasama si Lionel!
Magkalapat na mga labi namin! Nakita ko kung paano nagbago ang mga mata niyang nagulat noong una saka naging malamlam kalaunan. Ramdam ko na ang bigat ng katawan niyang nakapatong sa akin at bawat paghinga niyang nalalanghap ko na. Tila pumapasok iyon sa bawat himaymay ng aking ugat sa buo kong katawan. Muli na naman akong napalunok ng sunud-sunod saka unti-unting namilog ang mga mata nang maalalang kagigising ko lang! Nakakahiya! Hindi pa ako nakakapagmumog man lang!
Sinubukan kong itulak siya ngunit sadyang malakas siya kaya wala rin akong nagawa. Magkalapat pa rin ang mga labi namin at habang titig na titig siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang umalis sa pagkakadagan sa akin. Ang laki niyang tao! Mabigat siya!
Hindi ito maaari! Inilapat niya ang dalawa niyang kamay sa dibdib nito saka buong lakas na itinulak. Gusto na niyang maiyak nang wala pa rin naging silbi ang ginawa niya. Nagmistula siyang bulak sa mga bisig nito.
“Miya…” tawag niya sa akin saka sunod na sinuyod ang kabuuan ng mukha ko.
Hindi ko napigilan ang lumuha. Hindi ko rin alam kung bakit. Naguguluhan ako. Masyadong naging mabilis ang pangyayari.
“Miya,” muli niyang tawag sa akin saka inangkin ang labi kong nakalapat sa kanya. Nagsimula na siyang gumalaw sa ritmong pamilyar sa akin. Ilang beses na nga ba niya akong hinagkan? Hindi na mabilang. Bawat galaw ng labi niya ay may kalakip na pag-iingat. Tuluyan na natunaw ang depensang kanina ko pa pinaglalaban.
Bakit parang nagugustuhan ko ang uri ng paghalik niya sa akin ngayon? Pakiramdam ko ay isa akong babasaging pinggan sa marahan nitong paggalaw. Nakita ko pa kung paano niya ipinikit ang dalawang mata kasunod ng pagyakap ng dalawang kamay nito sa aking likod. Lumalim pang lalo ang halik na iginagawad niya sa akin hanggang sa kusa ng gumalaw ang labi ko. Gusto kong sawayin ang sarili ko subalit hindi ang katawan ko. Gusto ng katawan ko ang ipinaparanas sa akin ng mga labi ni Lionel.
Ilang sandali ko pang ninamnam ang hatid na sensasyon niyon hanggang sa sabay kaming naghiwalay. Kapwa naghahabol kami ng hangin dahil sa isang mind blowing kiss na pinagsaluhan naming dalawa. Saglit siyang ngumiti at bumaba muli ang mukha sa akin ngunit sabay kaming napalingon sa malakas na katok sa pinto.
“Miya! Miya! Gising ka na ba? Kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo sa hapag-kainan! Bumaba ka na ha?”
“O-opo, Manang,” mahina kong sagot. Pinakinggan ko pang mabuti ang yabag na papalayo ni Manang nang patakan ako ng halik ni Lionel sa tungki ng ilong.
“I’m sorry,” nakangiti niyang sabi saka dahan-dahang umalis sa ibabaw ko. “Mauna na akong bumaba sa iyo.” Isang matunog na halik sa labi ang iniwan niya sa akin bago lumabas ng silid ko.