CHAPTER 15

1156 Words
BUMAHA NG pagkain sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Lionel. Walang ibang customer na nasa loob ng isang mamahaling restaurant kung hindi kami lang. Kausap niya ang isa sa staff nang bigla na lang tumunog ang mobile phone nito. Ikinibit-balikat ko na lang. Lagi naman itong abala kaya hindi na ako magtataka pa kung maya’t-maya tumutunog ang mobile phone nitong kulang na lang yata ay sumabog sa rami ng messages at tawag na natatanggap nito. Umalis na ang staff na kausap nito saka humarap sa akin habang kausap ang Ponciong Pilato na tumawag sa kanya. Kung pwede nga lang na tumakbo ako ay ginawa ko na kaso may malaking problema. May mga bodyguards ang nakabantay sa labas ng restaurant. “Eat,” utos niya. “Yeah, I got it. Thanks.” Mabilis na ibinulsa ang mobile phone saka ako tiningnan ng mariin. “Ayaw mo ba ng pagkain? Palitan na lang natin kung ayaw mo.” Matalim ko siyang inirapan na ikinangiti lang nito. “What do you think of me? A pig? Balak mo ba ako gawing lumba-lumba?” “Bakit ko naman gagawin ‘yon. I just want you to eat. At sino ang nagsabi sa iyo na para sa iyo ang lahat ng pagkain na ito? I’m starving too.” Kinindatan pa niya ako. Mapakla akong ngumiti. A man like him is so complicated. Kanina lang ay naagmistula itong kakain ng isang buong tao tapos ngayon may pangiti-ngiti pa! Sino ba namang hindi mabu-bwisit? “What’s that smile for?” naiirita kong tanong kasunod ng pagdampot ng kutsara at tinidor. “For you,” sagot nito. Nang tingnan ko siya ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. Ano kaya ang trip ng lalaking ito ngayon? “So, how’s work?” “You really asking me that? Pumunta ka lang naman sa opisina ko at binulabog mo ang trabaho. That’s what happened. Do I need to tell you what you told me there?” Napailing lang ito saka binalingan ang pagkain sa plato. “Hindi ako magsasawa na gawin iyon sa iyo hangga’t hindi mo nadidisiplina ang tamang routine mo sa trabaho. You should work smart not work hard. You have employees to do everything, hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo.” “Easy for you to say. F.Y.I. lang Mr. San Miguel, hindi kami katulad ng kompanya mo. We’re just so tiny in compare with your empire company. Hindi rin ako kasing-galing mo sa pamamalakad ng isang kompanya. The Sandoval Company is just an insect in your eyes, Mr Lionel San Miguel.” Mahina siyang tumawa na hindi ko alam kung bakit nanibago ako sa expression ng kanyang mukha. It’s a genuine smile na unang beses ko pa lang nakita. Napalunok ako. My eyes can’t resist to look at him. Tila may humihigop sa mga mata ko na titigan siya at pagmasdan kung paano dahan-dahan na gumagalaw habang kumakain. Bigla akong nag-iwas ng tingin nang tingnan niya ako. “What? May dumi ba sa mukha ko?” May pang-aasar sa boses nito. “Hindi naman ako nakatingin sa iyo.” Tinusok ko ng tindor ang isang hiwa ng beef stake. Sa gilid ng paningin ko ay nakita kong nakamata siya sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko. It’s a sight I can’t easily ignore. Sunud-sunod akong napalunok kasunod ng nakakabinging tunog na mula sa sahig. “So-sorry…” Akma ko ng pupulutin ang tinidor nang pigilan niya ako. “Don’t bother. Ako na ang kukuha.” May haplos pang iniwan ito sa kamay ko. Nakahinga ako ng maluwag. There’s something in Lionel’s eyes na hindi ko maipaliwanag. It sucking inside my mind. Teka, what’s taking him so long? Oh, my God! Nasa ilalim ng mesa si Lionel! I-ibig sabihn ay – “Miya, are you okay?” “Lionel?” Mulagat ang mga mata kong nilingon ang lalaki. “Yes? You look pale. What’s wrong?” “W-wala. N-nakuha mo ba ‘yong tinidor?” “Yeah. Huwag mo ng gamitin. Nagpakuha na ako ng bago.” Dalawang oras ang matuling lumipas. Hindi ako pinayagan ni Lionel na tumayo hangga’t hindi naming nauubos ang lahat ng pagkain na inorder niya. Sa tulong niya ay nagkaroon ako ng gana kaya naman ramdam ko ang pagbigat ng aking tiyan. Busug na busog ako. Lionel’s a big man kaya hindi na ako magtataka kung gaano kalakas ito kumain. Sa kabila niyon, nginigibabaw ang pagiging elegante nito. Halatang aral sa proper etiquette which any woman admires. “We have to go home.” “Excuse me?” “We have to hurry. Your Dad – “ “Ano ang nangyari kay Dad?” Napatayo ako. “Lionel, answer me!” Malakas siyang nagbuga ng hangin. “He’s gone. Arman’s dead.” “Paanong h-hindi ako ang unang nakaalam. Bakit – “ “Nagpadala ng mensahe si Manang Carlota. She also sent a message to you.” Binulatlat ko ang dalang bag. Ilang unread messages ang bumungad sa akin. Tama nga si Lionel, ilang mensahe ang pinadala ni Manang. Totoo ngang wala na si Dad. “Ihatid mo na ako, Lionel. Please.” Nanlambot na ang mga tuhod ko at naagapan akong hawakan nang pabagsak na ako sa sahig. “Be careful.” Inalalayan pa niya akong humakbang ngunit wala na talaga akong lakas pa. Unti-unti ng dumilim ang paningin ko. Lumiliit na ang liwanag na nakikita ko. “Miya, Miya, look at me sweetie. Miya, Miya!” Kaysarap pakinggan ng boses ni Lionel habang tinatawag niya ang pangalan ko. Bakit ba sa tuwing mahina ako ay nasa tabi ko siya? Totoo nga kaya na dahil matalik na kaibigan ang turingan nila ng Dad ko? Then, ano na ang magiging buhay ko ngayong wala na si Dad? “Miya, sweetie. Miya…” Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nasa loob ako ng sasakyan at katabi ko si Lionel. Nakahiga ako sa hita niya habang marahan nitong hinahaplos ang balikat ko. “Na-nasaan tayo?” mahina kong tanong. “We’re outside of your house. Hindi na muna kita dinala sa loob para makapagpahinga ka. How are you feeling? Nawalan ka ng malay kanina. Are you feeling better now?” Tumango ko. “Si Dad?” “Na-nasa punerarya na siya. “I’m sorry kung hindi na kita nahintay pa bago siya ipadala roon.” “I understand. Sa-salamat, Lionel. Saan siya ibuburol?” Nanubig na naman ang dalawa kong mata. “Pwede bang dito na lang sa bahay? Gusto ko siyang makasama rito hanggang sa mailibing siya.” “Of course. Ipapaayos ko ang area kung saan siya maaring i-pwesto.” “Lionel. Pu-pwede ba kitang yakapin?” Bumangon ako at hinarap ang lalaki. “I just wanted to feel na may kasama ako sa ganitong pagkakataon.” Bago pa man ako nakakilos ay kusa na niya akong kinulong sa mga bisig nito. Doon ko binuhos ang lungkot at pangungulila ko kay Dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD