WALANG NAGAWA ang pagsigaw ko. Lalo pang naging mahigpit ang hawak niya sa akin. Wala rin siyang pakialam kahit na marami ng nakakapansin sa amin. Para siyang hindi tao dahil hindi marunong mapagod sa layo ng nilakad niya na buhat-buhat ako. Hindi niya pa rin ako ibinababa kahit na nasa harapan na kami ng pinto ng silid niya. May lalaking mabilis na lumipat at siyang nagbukas ng pinto. “Kuya, please tulungan mo ako,” tawag ko. “Gusto niya akong ikulong rito!” “Shut up, Miya.” Humakbang na siyaa papasok. “Kuya!” Nagmamadali lang na tumakbo ang lalaki sa tanging pag-asa kong makawala kay Lionel. “Walang magagawa ang pagsigaw at pagtawag mo sa kung sinu-sino. Walang ibang maglalakas-loob na tumulong sa iyo rito unless… ipag-utos ko.” Ibinaba niya ako sa ibabaw ng kama. Agad naman akong s

