KAPANSIN-PANSIN ang pagdating naming dalawa ni Lionel sa opisina. Hindi niya binibitiwan ang kamay ko simula noong umalis kami ng bahay hanggang sa makarating ng opisina. May ngiti sa labi na binati kami ng mga staff at tila parang gulat na gulat pa ang mga ito nang makita kami. Marahil namamangha ang mga ito dahil ilang araw kaming hindi pumasok sa trabaho. Kahit na nagtatrabaho na kami ay hindi pa rin niya ako nais bitiwan. Paano naman ako makakapagtrabaho ng maayos gayong halos yakap niya ako habang tinuturuan niya ako. May paminsan-minsan pang ninanakawan niya ako ng halik kaya paano ako makakapag-focus? “Ah, babe,” ani ko. Parang maamong tuta na nilingon niya ako. “I have an idea.” “What is it, hmn?” Pinatakan niya ako halik sa balikat. Tumagos na naman ang hatid na init ng kanya

