Hinahagod ng palad ni Liz ang likod ni Master Lee partikular ang gulugod nito.
Ilang beses itong pinasadahan ng kamay ng dalaga, tila naman nasa ulap ang pakiramdam ng matanda dahil sa ginagawa niya. Napapaungol pa ang matandang manyak dahil sa sarap ng pakiramdam nya. " Take me to heaven my lovely Violet", saad ng matanda.
Ilang hagod pa ang ginawa ni Liz sa likod nito hanggang sa makapa nya ang tamang buto, nang walang anu-ano ay sumagot ito Kay Master Lee,
" Surely Huazse Lee, I'll take you to where you should belong", pagkasabi nito ng dalaga ay biglang diniinan ang nasabing parte ng likod ng lalaki at sa isang iglap ay nawalan ito ng malay. Sinalat ni Liz ang palapulsuhan nito at nakumpirma nya na wala na itong buhay.
"Good Riddance!", usal ng dalaga. Kung dadaanin nya sa batas ay mali ang kanyang ginawa, ngunit batid ni Liz na ang mga katulad nitong kaso ay matagal uusad lalo pa at malaking tao sa lipunan ang mga kaalyado nito. Kung suswertehin pa ay makakagawa ito ng paraan para makalaya agad kung hindi naman ay tatakas upang muling mamuhay at maghasik ng kanilang illegal na gawain sa ibang panig ng mundo.
Batid ni Liz na sa paglabas nya ay makakaharap ang mga tauhan ni Master Lee kaya naman naghanda na sya sa pag atake ng mga ito. Mula sa suot nyang bodycon midi dress na above the knee ay kinuha nya ang .45 caliber na lagi nyang dala. Pipihitin na sana nya ang pintuan ng bigla itong bumukas at sya namang pakawala ng bala ng dalaga, tatlong bala para sa tatlong tauhan na ngayon ay bulagta na. Sa katahimikan ng buong isla ay nagulantang ang mga tauhan dahil sa sunod sunod na putok na kanilang narinig. Nakailang hakbang na si Liz pababa sa hagdan ngunit nakita nya kung gaano kalalakas ang mga dalang baril ng mga kalaban, sa pagkakataong iyon ay wala syang laban sa mahahabang baril na gamit ng mga ito kaya't minabuti nya na bumalik sa taas at kunin ang nakita nyang baril ng tauhan ng matanda na pinabulagta nya. Tumakbo sya sa kalapit na kwarto ng hagdanan para sana magtago sa makakasalubong, ngunit laking gulat nya ng makita ang samut saring uri ng malalakas na klase ng baril. Kinuha nya ang M16 rifle na nakasabit sa lalagyan at agad na isinukbit sa kanyang balikat.
Nang sumilip sya sa bintana ay nakita nya kung gaano kadami ang mga tauhan na aligaga sa paghahanap sa kanya.
" Hanapin nyo, babae lang yun, hindi yun makakatakas dito sa isla". Narinig nyang sabi ng isang lalaki.
" Yun ang akala nyo, baka pagbuhol-buhulin ko pa kayo eh", usal ni Liz sa sarili.
Binalak nyang tumalon sa second floor para makababa ngunit naisip nyang naka heels pa pala sya, may nakita syang closet sa nasabing kwarto at nagbaka sakali na may mahanap na kahit anong pansapin sa paa. Pagbukas ng dalaga ay agad tumambad sa kanya ang pares ng high cut boots na mukhang mamahalin, pambabae iyon at mukhang kasya sa kanya. Wala na syang panahon kaya't isinuot nya ito agad. Laking pasalamat nya ng sumakto iyon sa
kanya. Tila ba hulog ng langit talaga sa kanya ang kwartong iyon ng sa pagtangka nyang pagtalon sa ikalawang pagkakataon ay nasipat nya ang isang lubid na nakatali sa isang kahon na naglalaman ng mga baril. Kinuha nya ang lubid at ginapos sa isang poste ng kwarto. Paglabas nya sa bintana ay agad syang nagpadausdos sa lubid ngunit nakita sya ng isang tauhan kaya't agad sya nitong pinaputukan, ngunit sa bilis ng dalaga ay naunahan nya ito. Muling nakuha ang atensyon ng karamihan kaya naman paglapat ng mga paa nya sa lupa ay inulan sya ng bala na hindi nya alam kung saan nagmumula kaya't agad syang tumakbo para maghanap ng matataguan.
Sa kabilang banda naman ay nakikipag- bakbakan na ang grupo nila Victor sa mga lalaking naghahakot ng mga kargamento patungo sa mga bangkang de motor. Napansin sila ng mga ito ng makalapit sila sa may pampang. Mabilis na natawid ni Victor ang daan patungo sa two storey building na sa hinala nya ang syang kinaroroonan ng kasintahan. Pagdating nya sa bungad ay agad nyang nakita ang nobya na nakikipag palitan ng bala habang bumababa sa bintana gamit ang lubid na nakatali. "f**k!, usal ng binata sa sarili.
Agad nyang pinaulanan ng bala ang mga kalaban upang mawala ang focus ng mga ito kay Liz. Nang makita nyang nakatakbo na ang nobya at nakapagtago na ay agad naman syang sumunod sa dinaanan nito. Tinunton nya ang dinaanan nito na tila papunta sa isang warehouse. Magkakasunod na bala ang sumalubong sa kanya ngunit kinoberan sya ng nobya ng magpakawala ito ng sunod sunod na putok sa mga sumalubong sa kanya, nakakuha sya ng tyempo at agad na tumakbo palapit sa kinaroroonan ni Liz. Naubos ang bala ng M16 rifle na hawak ng dalaga kaya naman binitawan na nya ito at ang 45 caliber na nasa holster ng hita ang kanyang kinuha. Magkatapat silang dalawa habang parehas nakatago sa mga kahon na magkakapatong. Alam nilang may mga kalaban sa magkabilaan nila kaya sumenyas si Victor na sya sa kaliwa at si Liz sa kanan. Tumango naman ang dalaga at sa muling pagsenyas ng binata, sa bilang na tatlo ay sabay silang tumayo at pinaulanan ng bala ang mga kalaban. Nang mapatumba ang mga kalaban ay napansin ni Liz na may isang lalaki na tumatakbo palabas ng warehouse, balak nya itong sundan subalit muling may mga kalaban na parang kabute na sumusulpot na lamang. Magkalapit na sila ni Victor habang nakikiramdam sa paligid. " ayos ka lang ba mahal ko", tanong ni Victor.
" I'm okay Love, can you cover me?",mahinang tugon ni Liz.
" No, dito ka lang sa tabi ko", saad ng binata.
" I won't do that Love, may susundan lang ako, kung ayaw mo ako i-cover okay lang basta lalabas pa din ako".
Habang sumisilip sa kanilang pinagtataguan ay marahang kinabig ni Victor ang nobya, " Wag matigas ang ulo Mahal ko, ayokong mapahamak ka, kaya dito ka lang sa tabi ko", maotoridad nyang wika. Hinawakan naman sya sa batok ng dalaga at agad na siniil ng halik, gaganti na sana ang binata sa halik na iyon subalit pinutol ito ni Liz at nagwika, " matigas talaga ang ulo ko Love pero mamaya itong ulo mo naman ang patitigasin ko", sabay hawak nito sa nakaumbok na kahabaan ni Victor na nasa loob ng pantalon. Nagulat ang binata sa ginawa ni Liz subalit huli na bago pa man nya ito mapigilan dahil pagkasabi sa kanya ng dalaga ay bigla itong tumayo para sundan ang lalaki.
" Tangina!, nabudol mo na naman ako Mahal, lagot ka talaga sa akin mamaya",
wika ni Victor na nagpapakawala ng bala sa mga kalaban, habang si Liz naman ay tuluyan ng nakatakbo para habulin ang lalaking sinasabi nito.
_______________________________________
Sorry for the late update guys! pero for sure everyday update pa din ito, tatapusin ko na sana kaya lang may naisip akong panibagong twist, kung ano man iyon abangan nyo na lang.