5 years ago... Ayla POV: Matapos kong makausap si Victor ay nagmadali na akong naglakad patungo sa boarding area, ngunit dahil sa pagmamadali ay hindi ko napansin ang babaeng kasalubong ko, sa tantya ko ay abala din siya dahil narinig ko na may kausap siya sa cellphone. Hindi ko sinasadya na nabangga ko siya at biglang nahulog ang hawak kong passport at plane ticket. Tila nataranta naman siya at tinulungan akong damputin ang mga nahulog kong gamit. Hihingi sana ako ng dispensa sa pagkakabangga ko ngunit ng magkatitigan kami ay para akong nakaharap sa salamin. Magkamukhang magkamukha kami, at pati ang aming mga katawan at tangkad ay hindi nagkakalayo. Buhok lang ang pinagkaiba namin, ang buhok ko ay mahabang ash blonde at medyo naka curl ang ibabang bahagi samantalang ang sa kanya naman

