Ayla POV: " Si Armando Santibañez ay nagtatago sa katauhan ni Peter Green". Hindi ko maintindihan ang sinabi sa akin ni Janice kaya't nangunot ang aking noo na bumaling sa kanya. " Paanong nagtatago Dude, anong ibig mong sabihin?" " Ang tunay na Peter Green na siyang tatay ni Stacey ay patay na. Si Stacey ay ampon lang ng nanay ni Isay pero ang alam nila noon ay magkapatid sila sa ina. Nang malaman ni Stacey ang totoong nangyari ay umalis ito sa poder ng kinilala niyang ina dahil mas pinili nito na makasama ang kanyang mayamang ama na si Peter Green. Magkasosyo sa negosyo sina Peter at ang tyuhin mo na si Armando. Nang mamatay si Peter ay nagpanggap si Armando na siya ito", mahabang turan sa akin ni Janice. " Paano namatay si Peter Green?", tanong ko sa kanya kahit pa may ideya na a

