Chapter 5: A Knight Dressed as a Commoner

1861 Words
"ANG daya ninyo pareho!" reklamo ko sa dalawang kaibigan ko na parehong sitting pretty sa isang table, malapit sa glass window ng coffee shop na ito. "Paano kami naging madaya?" pa-inosenteng tanong ni Belle habang ang baliw na si Clarkson ay may katitigan na namang mga babae sa kabilang table, malapit sa amin. I pulled the chair beside him at sinadya kong maihampas ang bag ko sa kanya na kaagad naman niyang ininda. I almost laughed at his epic reaction pero pinigilan ko ang aking sarili, even Belle almost choked because of it. "Move aside!" sabi ko sabay upo. His face immediately turned into a deep shade of red because of two things: Una, ayaw niyang napapahiya siya sa harap ng ibang babae lalo na kung bet niya ito; at pangalawa, he hates it when his 'perfect hair' got disheveled so suddenly. Maarte kasi ang mokong. "Ay, tang—na orange," aniya matapos ko siyang titigan nang masama. "Paborito kong brand at flavor ng juice 'yon, tang na orange. Kayo ba guys?" "Palusot.com ka, Clarkson," natatawang komento ni Belle habang abala na naman siya sa kanyang cellphone. "Sobrang landi mong lalaki ka!" Halos malukot na ang maganda kong mukha pero ang gago, nakuha pang ngumiti sabay peace sign. Anak ng tofu talaga! Napailing na lamang ako sa kaibigan ko. Wala, ang level ng kaharutan ni Clarkson kung ihahalintulad sa sakit ay nasa hopeless case na. Like, wala pang isang oras kaming nakatambay rito sa coffee shop pero may kaharutan na agad siya? Kasalanan 'to ni Aome e. Kung hindi niya hiniwalayan ang kumag na 'to, baka sakaling naisalba pa. Unbelievable to the highest level! Aome Marquez-Fukuda. Ang unang babaeng naging official jowa ng malanding si Clarkson. They dated for almost three years at buong akala ko nga sila na talaga pero isang araw, nagulat na lang kami ni Belle na split na ang dalawa. For what reason it may be? Wala rin akong idea. Malas talaga ng susunod na magiging jowa ng lalaking 'to. "Alam mo, kung hindi lang tayo magkaibigan? Iisipin kong nagseselos ka sa mga chiks ko." Pinanliitan ko siya ng mata, "excuse me? Mahiya ka nga sa balat mo, Clarkson. Even if we're the last human beings in this world, never kitang papatulan! Kadiri ka!" "Maka-kadiri ka diyan akala mo may nakakahawang sakit ako ah," reklamo ni Clarkson habang pinipisil-pisil pa ang dibdib niya na parang akala mo'y totoong nasasaktan sa mga sinabi ko. "Sa dami ng naka-s*x mo? Hindi malabong oo ang sagot sa tanong mo. Pa-check up ka na para sure." "Aba't—" "Kayong dalawa. Bago niyo ituloy ang away niyo, pwede bang ilibre niyo muna ako?" sabat ni Belle sa usapan namin ni Clarkson. "Kanina pa akong kapeng-kape oh." Natigilan kami sa umiinit na bangayan namin ni Clarkson at dahil nga ako ang nahuling dumating kanina rito sa coffee shop, wala akong choice kung hindi ilabas ang credit card ko. I gave it to Anabelle and she immediately stood up to order. "Naks! Iba talaga kapag mayabang—este mayaman," pang-aasar ni Clarkson pero pinanlisikan ko siya ng mata. "Gago ka ah! Palibhasa ikaw, puro sa condom at motel nauubos ang allowance mo. Man w***e!" "Guys, we have a problem." Muli kaming natigilan ni Clark nang dumating si Anabelle na nakakunot ang noo. We shifted our gaze and gave her a questioning look. "Oh?" tanong ni Clarkson. Belle raised my credit card at parang gets ko na kung anong problema. Damn it. "Declined?" I assumed. "G na G na naman si Daddy kaya pati card ko, pina-cancel na naman. Hay life!" Mabilis kong kinuha ang card ko mula kay Anabelle at tsaka isinubsob ang mukha ko sa aking bag. Nakakainis talaga! Tuwing magagalit si Daddy sa akin, ganito ang way niya para disiplinahin ako. Nakakatawa lang isipin na never naman niya akong pinakinggan whenever I try to explain my side. Life is just so unfair. "Ako na ang o-order," sabi ni Clarkson, sabay tayo. "Nakakahiya naman kay Allie, makatikim naman ng libre." "Peste ka talaga!" bulyaw ko pero ang mokong na si Clarkson, kumaripas na ng takbo papunta sa counter. Sumandal ako sa upuan ko. I made myself busy while looking at the streets from the glass window. I then shifted my gaze at the sky and by just looking at it, slowly turning gray, there's no doubt that it would rain anytime. Bwiset na panahon. Balak pang sumabay sa sentiments ko ngayong araw. Humugot ako ng malalim na hininga at sandaling pumikit. The moment I opened my eyes ay halos mahulog ako mula sa kinauupuan ko nang tumambad mula sa kabilang side ng bintana ang pagmumukha ni Matthew. He was staring at me as he continuously knocks on the window. "Allie, let's talk!" I can't literally hear what he's trying to say pero by just reading his lips made me realized that he wants us to talk. I looked away at bumaling ng tingin kay Belle na hindi na rin mapakali sa nangyayari. "What are you going to do?" tanong ni Belle. "Akala ko ba tapos ka na sa isang 'yan?" "I am. Noong isang araw pa!" sabi ko. "But s**t! He's starting to creep me out!" Hindi ko na pinansin pa ang sunud-sunod na pagkatok ni Matthew sa bintana kahit pa nakakuha na ito ng pansin mula sa mga tao sa labas ng coffee shop, maging sa mga customers dito sa loob. He's not the first guy that pulled this kind of stunt after I'm done with them pero I just don't get him. Para siyang bata na kapag iniwan mo basta ay magwawala na lamang bigla. Obsessive jerk. "Our coffee's here!" masiglang bungad ni Clarkson, dala ang tray ng orders namin. "One café latte for Allie and one mocha macchiato for Belle. Enjoy—" "Allie! Please, talk to me!" Halos mapatalon ako nang bigla na lamang sumulpot si Matthew sa harapan ko. Marahas niyang hinawakan ang braso ko na kaagad ko naman inalis. "Matthew, get lost!" I yelled. "We're done. Ano bang hindi mo gets do'n?" "Pare, may problema ba tayo?" awat ni Clarkson sa amin. He even put me behind him at mariin na tinitigan si Matthew, pero hindi siya pinansin nito. "'Tol, hindi ikaw ang kausap ko," ani Matthew, ang mata'y hindi pa rin inaalis sa akin. "Allie, mag-usap lang tayo. Please!" "She doesn't want to talk to you, jerk!" sabat ni Belle. "So, why don't you get lost and reconcile with your pathetic girlfrie—" "Huwag kang mangielam!" Hindi na nagawa pang tapusin ni Belle ang sinasabi niya nang bigla siyang sugurin ng isang sampal ni Matthew, dahilan para bumagsak siya sa sahig. "Gago ka pala e!" bulyaw ni Clarkson at tsaka sinalubong ng isang suntok si Matthew na kaagad din ginantihan nito. Not too soon, nakabulagta na rin sa sahig ang mokong na si Clarkson. May mga staffs nang umaawat sa nangyayari pero ang baliw na si Matthew, ayaw paawat. s**t na 'yan! Hindi ko alam kung sinong uunahin kong tulungan! Clarkson isn't very skilled when it comes to fist fights like this. Lumaki ba naman siyang laging may mga nakasunod na bodyguards na tumatapos ng mga sinisimulan niyang gulo. Puro kayabangan lang ang alam ng isang 'to, kulang sa tamang self-defense. Ang sakit sa ulo! "Clarkson, bumangon ka nga diyan and fight like a man! Hoy!" Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga customers dahil mismong mga staffs ay hindi na kami magawang awatin. Sandali kong iniwan si Clarkson na parang nawala sa wisyo and I rushed to Belle to help her get up pero muli akong hinawakan ni Matthew sa braso at marahas na hinarap sa kanya. "Ano ba, Matthew! How many times do I have to slap it on your face na tapos na ako sa 'yo, ayoko na!" "What do you take me for?!" he said, ang kapit niya sa braso ko'y mas humigpit pa. "Iniwan ko ang girlfriend ko dahil sinabi mo na gusto mo ako pagkatapos ay ganito? You really are a slut!" "Call me names all you want pero hinding-hindi ako babalik pa sa 'yo. God, you're not even my boyfriend—let go of me!" Para akong bagay na bigla na lamang kinaladkad ni Matthew palabas ng coffee shop. Pilit akong nagpupumiglas habang palingon-lingon sa mga kaibigan ko. Anabelle already stood up and she's currently helping Clarkson na nakatulog pa ata sa suntok ng lalaking ito. Nakakainis! This is one of the things I consider a disadvantage of being a drop dead gorgeous human being. Nakakaloka ang mga nagkakandarapa sa akin tapos madalas pang mga obsessed ang mga mokong. Mga feeling jowa when I clearly stated in the first place na I don't do relationships and they all agreed to it! Kaya anong inaarte ng hinayupak na 'to?! Nakaka-stress! "Bitawan mo ako, Matthew kung ayaw mong sapakin na kita!" "I won't let you go hanggang walang nangyayari sa atin!" I threw him a stare of disbelief and disgust habang patuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin. Halos manlamig ako sa sinabi niya. Indeed, all guys are the same. Pakakawalan ka lang nila pagkatapos nilang makuha ang gusto nila. Tuluyan na akong nawala sa aking sarili after he said those things to me. Well, hindi naman talaga ito ang unang pagkakataon na may nagsabi ng bagay na ito sa akin. In fact, all the guys I've flirted with wanted to get "it" from me. Sadyang hindi ko lang hinahayaan na umabot pa sa puntong iyon dahil hindi ko kaya. Even when I act like slut or whatever they call it, I still respect my purity. Hindi naman kasi porke ganito ako kumilos at makipag-interact sa mga lalaki ay hindi na ako malinis. The problem with people nowadays is they judge you before they even get to know everything about you. This is the sad reality but it's true. But no. Hindi ako makapapayag na ganituhin na lang nila ako! Heck, I'm a descendant from Mt. Olympus, in my wildest dreams tapos ay ganito nila ako tratuhin? This can't be. "Hoy, Matthew! Hayop ka ah! Anong akala mo sa akin, cheap?!" "Sa dami ng naging kalandian mo, tingin mo maniniwala ako na malinis ka pa?" natatawa niyang saad. "Huwag ka nang mag-inarte pa, Alison. I know you want it too—aww!" I didn't let him finish what he's saying dahil binigyan ko na siya ng matinding below the belt na sipa. Halos mamilit ang gago sa ginawa ko but I didn't bother. Instead, I took it as an opportunity to run away from him. "Alison, bumalik ka rito!" sigaw ni Matthew habang hawak pa rin niya ang kanyang most prized possession. I ran as far as I can nang madapa na lamang ako sa magaspang na semento. The burning sensation on my knees stopped me for a while. I was about to stand up dahil ang hinayupak na si Matthew ay naglalakad na palapit sa akin nang may maramdaman akong humawak sa braso ko. "Okay ka lang?" a baritone voice said. I looked up and saw a handsome guy, holding my left arm while offering his other hand to me. Wow, Alison. I guess you're still in luck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD