Chapter 13: Practice 101

1103 Words
“ANO nga ulit?” Naguguluhang tanong ko kay Belle habang nakatingin ako sa sangkatutak na sticky notes sa isang malaking white board dito sa private villa nila. “My gosh, Allie!” inis niyang reklamo sa akin. “Nakakaloka! Kanina ko pa paulit-ulit na sinasabi. Justice Quizon ang full name niya! Umayos ka nga. How can you seduce him if you can’t even remember his name?” Ngumiti ako at saka nag-peace sign. Kanina pa nakabusangot ang mukha ni Belle dahil ilang oras na rin yata kami paulit-ulit na nagsasaulo ng mga basic information about that guy—whoever he is. It really sucks to be forced to do this kind of nonsense para lang hindi matuloy ang kasal namin ni Clarkson pero mas nakakayamot na bakit parang ako lang ang hirap na hirap?! Ako lang ang requires mag-effort nang ganito habang ang hiyupak na si Clarkson ay sitting pretty lang. At take note! Busy na naman sa pakikipagharutan sa cellphone ang animal. Uh, Kairita! It’s been three days now mula nang nagsimulang mangalap ng mga impormasyon si Belle sa iba’t ibang tao na malapit kay Aome and that guy named—ah ewan! And every after class, dito kami sa private villa niya dumidiretso to plan everything. “Let’s take a break! Nakakaloka ang mag-memorize ng mga things about—what’s his name again?” “Justice!” “Right, Justice,” I said as I rolled my eyes in annoyance. “Sabi ko nga!” Pabagsak na inilapag ni Belle ang metal stick niya sa coffee table na nasa harapan namin at padabog na naglakad papunta sa couch kung nasaan si Clarkson. I took one last glance at that guy's picture on the white board at sandaling napangiti. Gwapo sana kaso sayang, he's poor and has nothing to brag about but his good looks. Oh well, atleast he would have a great time especially when a Goddess like me spends her precious time with a commoner like him. He can call himself lucky for that. “I’m hungry!” reklamo ni Belle na ngayon ay nakadapa na sa sofa na parang lantang gulay. Binalingan ko sila ng tingin at automatic na napalingon kay Clarkson na may ka-videocall sa mga oras na ito. “Sure! I'll pick you up at around 7pm?” aniya. “Syempre doon tayo sa executive suite—aww!” “Hi, this is Clarkson’s fianceé,” I said after I snatched his phone to continue their maharot na conversation. “Girl, if you still want to live a normal life… get a grip and cut connections with this prick!” Mabilis na namutla sa takot si ate girl mong maharot at wala pang limang segundo'y pinatay na niya ang tawag. Marahas kong ibinalibag kay Clarkson ang cellphone niya na mabilis naman niyang sinalo. I flipped my hair at saka naupo sa tabi ni Belle. “Ang KJ mo!” reklamo ng malanding si Clarkson. “Chiks na naging bato pa!” Pinanlisikan ko siya ng tingin kaya naman para siyang tuta na bigla na lamang nabahag ang buntot. Mabilis siyang tumayo at lumipat ng upuan. Sandali pa siyang tumitig sa akin na parang akala mo'y may masama pang binabalak. “What are you looking at?!” iritang tanong ko sa kanya. I even grabbed a pillow and throw it on his face pero gaya ng dati ay mabilis niya itong nasalo. Damn it! “Aminin mo nga, Allie,” aniya. “Are you jealous with my girls?” Sandali pa kaming napatitig ni Anabelle sa seryosong mukha ni Clarkson bago tuluyang nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. I burst into laughter the moment that happened. “Kapal ng mukha mo, huy!” natatawang sabi ko. “And why would I be jealous? Feeling ginto ka ganern?” Tumaas ang isang kilay ni Clarkson at mataman akong tiningnan. He even put his chin on top of his palm na kasalukuyang nakapatong naman sa tuhod niya. Inirapan ko siya at bumaling ng tingin kay Belle na busy ngayon sa cellphone niya. “If you’re not jealous then why are you making a big fuss about us being engaged?” paratang niya. “Parang proud ka pang ipagkalat na ikakasal tayo anytime soo—” “Clarkson Salvador, kapag hindi ka tumahimik? Sasakalin na talaga kita!” I said. “Masyado kang feeling! Taas ng pangarap mo oy!” “Why would I dream of you? Mataas ka rin mangarap oy—” “Man w***e!” “War fre—” “Guys, ano ba?” Belle said to cut us off from arguing. “Nakakagutom na nga, panay pa ang away niyong dalawa. ‘Yong totoo, saan niyo kinukuha ang energy niyo pareho? Baka naman in the end, kayo talaga magkatuluyan ha—” “Siya ang nagsimula!” Clarkson and I both said at once. Napatingin pa kaming dalawa sa isa’t isa bago kami nagtalikuran. Si Belle naman ay tila frustrated na naman sa nangyayari. “Ang sa sakit sa ulo maging referee niyo,” aniya. “Since elementary pa lang, wala nang araw na hindi kayo nag away. Feeling ko nga sinadya ng pagkakataon na kayo ang magkatuluyan kasi ang iingay niyo!” Hindi na namin nagawa pang sumagot ni Clarkson dahil padabog na bumangon mula sa sofa si Belle at naglakad papunta sa may pintuan matapos namin makarinig ng pagtunog mula sa doorbell. Pagbalik niya'y may bitbit na siyang dalawang kahon ng pizza at plastic bag na naglalaman siguro ng iba pang pagkain at inumin. “Nice! Nag-order ka na pala ng pagkain!” masayang sabi ni Clarkson. He even stood up to help Belle with some of the food she’s carrying. Patay gutom na impakto. “Kanina pa ako gutom, so I ordered food,” ani Belle. “Let’s eat then brainstorm again!” Halos maglaway ako sa nakakatakam na pagkain sa mesa. Nagsimula nang kumain ang mga kaibigan ko kaya naman tumayo na rin ako at nakisalo sa kanila. The first thing I grabbed was the pepperoni pizza. I dipped it on some ranch then dump it in my mouth. I was savoring the food nang mapansin kong nakatingin sa akin sina Belle. “What?” “Feeling model sa commercial?” ani Belle na tingin ko’y kanina pa pinipigilan ang kanyang pagtawa. Natigilan ako sa aking kinakain and threw a sharp stare at her. From there, they burst into laughter. “Mga peste! E, sa ganito ako kumain!” yamot kong sabi. I threw the slice of pizza back in the box at muling sumandal sa sofa. Nakakayamot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD