Nineteen Rome... Hanggang ngayon hindi pa din siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Kasama na niya ngayon si Jen, may bonus pa kasi may bago pala silang anak ng asawa niya. Princess Romina Reyes Dela Merced Ang gandang pakinggan, pininangalan ba naman sayo ang anak mo hindi ka matutuwa. Para siyang nananaginip ng mga oras na iyon. at kung panaginip man ito ayaw na niyang magising pa, gusto na niyang matulog nalang habang buhay na kasama niya si Jen at ang mga anak nila. "Rome"tawag sa kanya nito. Nanatili siyang nakapikit at dinadama ang mga haplos nito sa kanyang mukha. "Hey Rome"tawag sa kanya nitong muli. Doon lang niya iminulat ang mata niya at pinakatitigan ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ang maganda nitong mata na nakatitig din sa kanya ng mga oras na iyon. "Y

