Seventeen Jen... Mabilis ang bawat kilos nilang dalawa ni Rome, habang hindi na niya maimulat ang mata niya sa sobrang sakit at hirap na din siyang makahinga bunga ng usok na mula sa tear gas. Hindi lang pala dalawang tear gas ang ibinato sa kanila kundi namapakadami. Sinusigurong mawawalan ng mala yang lahat ng taong nandoon sa loob ng gusali. "Jen, are you okay?"nag-aalalang tanong ni Rome sa kanya kahit na maging ito hirap na din magsalita. Hindi naman niya magawang nakapagsalita. Patuloy lang sila sa paglalakad ni Rome, pababa na sana sila ng may makita silang mga tao sa hagdan na paakyat naman. May mga suot ang mga ito na gas mask, at nakatutok sa kanila ang mga baril ng mga ito. Kaya naman kaysa bumaba sila nagderetso sila pataas ng gusaling iyon. sa ika-apat na palapag sila nag

