P H O E X E
. . .
4:15 PM
"So, what's the plan?" I asked, desperate to save Lina from Epiales. It's not just about of her death, but it is also about my reputation! Hindi ko naman alam kung may nakakita kay Epiales na pinapatay si Lina, paano kung mapagkamalang ako ang pumatay sa kaniya?
Ayokong makulong.
Nandito na ulit kami sa malawak na room na walang kabinta-bintana. Nakaupo kami at nakapalibot sa isang bilog na lamesa na meron lang namang laman na isang vase at sa loob nito ay may nalalantang tatlong rosas.
Hindi ko alam pagkatapos lang ng two hours ay nagising si Henry. Nakakagulat pa nga dahil pagkalingon ko ay nakadilat na ng mata niya at nakatitig ng mariin sa kisame. Napakacreepy, kinilabutan talaga ako. Ginugol ko ang dalawang oras ko sa pagtingin sa mga gadgets sa room na iyon. Lumabas siya ng room na iyon, kaya naman sumunod ako sa kaniya. Ayokong maiwan ng magisa doon dahil natatakot ako sa bintana na may napakadilim na tanawin sa labas.
At iyon napunta kami sa kwartong ito. Nagulat pa kami ng makita namin na nandoon ang kambal na natutulog. At hanggang ngayon, tulog pa rin sila. Nakasandal si Arius sa upuan habang nakacross arm, si Sirius naman ay nakayuko sa lamesa at nakataas ang isang paa sa isa pang upuan. Medyo nangawit ako sa pagtingin sa kanila na ganoon matulog. Siguro sanay na sila, bakit ba kasi sila nandito?
"Odd," napatingin naman ako kay Henry ng magsalita na ito. Sa araw na ito 'yon ang una niyang sinabi magmula noong gumising siya. Maski ako naman ay hindi siya binati at hindi nagtanong kung bakit bigla siyang nagising.
"What's odd?"
"You said that Epiales copied your feature on your nightmare, right?" he said meeting my eyes. Hindi naman ako mapakali sa pagtitig niya kaya iniwas ko ang tingin ko at nilipat sa rosas na nalalanta na.
"I know you already read my mind when I woke up, what's the point of asking that question?"
I bit my lip when I saw that he rolled his eyes and let out a 'tsk'. Hah! Nakakagulat iyon, hindi ko akalaing marunong siyang umirap! Why am I so surprised though? Yesterday, he raised his eyebrow when he read something clichés sentence from my mind. If he can do that, ofcourse, he can also roll his eyes. Hindi ko alam na mataray din pala siya?
"What I mean is, Why would Epiales used your feature to kill Lina? Based on what I saw on Scarlet's mind when Epiales attacked her last last night, he used Scarlet's feature to kill and use her. But now, something is wrong. If he'll going to make the pattern all over again, why wouldn't he use Lina's feature to kill her? He want her body, he want to replace her. Now, why you? What's the point of using your body?"
Now that he mention that, train of thoughts form in my head. Indeed, that's kinda suspicious of him. I don't get the idea of using me to kill her. Bakit ako pa? Hindi kaya may panibagong pattern nanaman siya?
Si Scarlet ay binalibag niya sa isang bato. Malayo sa maraming tao. Kung tutuusin sa ganoong crime scene, iisipin ko na nahulog si Scarlet mula sa puno at bumagsak sa malaking bato. Lasog ang mga buto, at namatay. Hindi niya ito sinaksak o kahit na anong karumaldumal na pagpatay. That scene might be reported as ACCIDENT.
Kung gagawin niya ulit ang pattern na iyon? Bakit niya papatayin si Lina sa mismong tapat ng pinto ng bahay ni Scarlet kung saan maari siyang mahuli o baka may makakita sa kaniya? Bakit ganoon kadumi ang pagpatay niya kay Lina?
At kung tama ang sinabi ni Henry na kailangan niya ang katawan ni Scarlet para mapatay ang mga kaibigan nito, bakit niya gagamitin ang mukha ko? May posibilidad pa na gamitin niya ang mukha ni Scarlet para pumatay, dahil (marahil) alam niya na patay na si Scarlet, at walang hahandlang sa mga plano niyang gamitin ang katawan niya. Bakit ako pa?
"I don't know..." mahina kong sabi at narinig ko naman na umayos siya ng upo at pinagsalikop ang kamay at tumitig rin sa nalalantang rosas sa harap namin.
"Remember that letter he gave to you? He knows about your sketch book. What if he's doing that to frame you for killing her? You see, if your fingerprints were scattered everywhere in the crime scene. There's a high possibility that the police will file a warrant of arrest and look for your sketch book. I think he already knows that Scarlet is still alive. And eliminating you is the best way to be free on killing someone else, again."
Kinilabutan ako ng sabihin niya iyon, nahirapan akong huminga habang iniisip ang sarili ko na umaamin sa harap ng maraming pulis. Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag nangyari iyon. Kapag nangyari iyon, wala na akong pagasang mabuhay ng normal. I'll spend half of my life in the jail, and no one will ever justify nor hear about my nightmares. No one's going to believe me.
"I-I don't want to spend my life in the jail. Y-you can help me, right? We are a team. Y-you need me to keep on track on Epiales next move, please stop him." my hand was balled into a fist. It was rested so stiff on my thigh while my knees are shaking about overthinking things. My eyes are already swelling.
"You can only help yourself, Ms. Eren. Im just here supporting your nightmares, you can only stop Epiales from doing his plan."
He was back on being calm again, he even stretched his arms and rested his back on the backchair.
"What now? How are we going to stop Epiales' plan?"
A smile escaped from his pinkish lips.
"We need to get them out of there. Let their home protect them."
****
4:50 AM
"Mangyayari ba talaga iyon?"
Scarlet asked, checking her broken bone. She even whispered "Aw" when she did a little movement of it. Talagang nabali ang kaniyang buto, dahil nakacemento na ito. Hindi ko alam kung paano nagawan ng paraan ni Mr. Walter na gawin iyon ng kaunting oras lamang. Nagaalala naman ako kay Scarlet dahil baka hindi na bumalik sa dati ang braso niya. That might became one of her weaknesses. And Im afraid that Epiales will take the advantage of that.
"My nightmares was meant to happen." atsaka ako tumingin sa labas madilim pa rin pero isang oras na lamang ay magkakaroon na ng kaunting liwanag sa paligid. Nandito kami ngayon sa malaking kwarto na tinulugan ni Scarlet, at may malaking bintana dito. I wonder who used to sleep here.
"I just don't believed that. I believed that the nightmare that was showed in our dream is an opposite of what's going to happen." humarap na sa akin si Scarlet at hindi ko pa rin maiwasang hindi mapatingin sa kaniya. She's so beautiful, her red curly hair always took my attention. Who would not love to have her hair?
"I hope I can believe that too, life was always been so cruel to me." naalala ko nanaman kung anong sinabi sa akin ni Epiales. Nginitian ko siya ng mapait pero nakatitig lang siya sa akin.
Kinikilabutan pa rin ako kung paano magbago ang itsura niya. I can't bear seeing Scarlet's face, full of bloodlust. I can't look at Arius and Sirius' face laughing like a demon from hell. And I can't stand facing Henry's face with satisfied smile.
Maya-maya ay lumabas na kami ng kwarto, natagpuan namin sila Mr. Walter sa hardin ng mansion. At sa likod nila ay merong isang van, saktong pagdating namin ay pumasok na sila Arius at Sirius sa van.
And as usual, Mr. Walter greeted us with his warm smile. "Good evening, Ms. Eren, Ms. Loren. We should leave before the sun rises."
So Loren ang apelyido ni Scarlet? If I heard it right, Silvestre naman ang apelyido nila Arius at Sirius. Doon ko lang napagalaman na hindi ko alam ang kanilang buong pangalan. At ang awkward naman kung itatanong ko pa sa kanila iyon.
Pumasok na kami ng van at nakita nanaman namin na nagtatawanan ang kambal sa likuran namin.
Doon ko lang napansin na nasa passenger seat na si Henry at nakapikit nanaman ang mata nito. Nang sandaling pumasok na si Mr. Walter ay umandar na ang van.
"Do you think Henry kissed our ass?" tanong ni Sirius kay Arius kaya panandaliang tumahimik sa van.
Ano daw?
Napasulyap naman ako kay Scarlet na ngayon ay magkasalubong nanaman ang kilay. Pinigilan ko na hindi maubo at sumulyap sa direksyon ni Henry. Ang awkward tuloy.
"What the fvck bro!" sagot naman ni Arius at nagpanggap na walang alam. "Are you gay?"
"Pota, iba inisip ng g*go." tumawa si Sirius mag-isa,
"It was an idiomatic expression, dude! Kiss one's ass means to help someone so eagerly just to gain a favor. And I think that's what Henry's doing right now. . ." he whispered his last statement but was enough for us to hear it.
"Dami mong alam, ang baho pa ng sinabi mo." rinig kong sabi ni Arius sa likod
"Bobo ka kasi, di mo alam 'yon."
"Idioms were used by bida-bidang idiots."
"Bobo mo talaga!"
"Ewan ko sa'yo. Nakakasawa ang pagmumukha mo."
"Yes, I'm too tired for being so handsome."
"Ul*l."
I hear Scarlet's tounge clicked before turning her head to our idiotic members. "Can't you stop talking for just a minute?" she said, irritated
"But we can laugh."
"No, you shouldn't."
" 'No, you shouldn't' " Arius immitate Scarlet's voice and line and he makes a face that was definetly annoying.
"Shut up." nakakunot noong sabi ni Scarlet
" 'Shut up,' " The Silvestre twin brothers immitate in unison.
"Don't copy what I said!" pikon na sabi ni Scarlet at hinarap sila, kaya ang siste. Nakaluhod siya sa upuan nya habang inaabot ang kambal.
" 'Don't copy what I said!' "
"ARGH!" I smirked when I saw Scarlet's cheeks, it's turning red.
" 'A minute' is done! HAHAHAHAHAH!" atsaka sila tumawa ng malakas. Scarlet returned to her seat and crossed her arms. She's still annoyed.
Hindi naging tahimik ang byahe dahil sa ingay ng dalawang kambal. Wala naman akong problema kung tumawa sila, buhay nila iyon. Pero minsan napapasabay ko sa tawa nila kapag may nakakatawa silang sinabi. Si Scarlet naman sinamaan lang ako ng tingin kapag tumatawa rin ako. But I ignored her, it's been a few years since I laughed.
Napatingin naman ako sa may bintana. At ang unang kong nakita ay ang mga blur na puno. Kahapon lamang, ganitong view din ang nakita ko habang papunta kami s bahay nila Scarlet. Nagkakaroon na rin ng kaunting liwanag sa paligid pero wala pa ang sinag ng araw.
Napatingin naman ako sa aking relo, it reads 5:27 AM.
"Check them," sabi ko atsaka tumingin kay Scarlet. Mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko kaya kinuha niya ang phone niya sa kaniyang bulsa. At nagdial ng number.
Nang sabihin ko iyon ay tumahimik naman sila Arius at Sirius sa likod. Naghintay lang kami hanggang sa nagsalita na si Scarlet.
"Hello, Lina?"
"AAAH!" I hear Lina's scream on the other line. Whoah! Ang lakas ng boses niya.
Nang marinig iyon ni Scarlet ay nilayo niya ang kaniyang phone sa tenga niya. And after that, she tapped the loudspeak mode ng tawag.
"OMG! IS THAT YOU SCARLET? HOW ARE YOU?!" Malakas na sigaw ni Lina. So gising na nga talaga siya? Namuo naman ang kaba sa aking dibdib, sana wala siya sa labas ng bahay, o kung ano man.
"I'm fine. Phoexe and I will be coming home very soon. By the way, where are you?" sagot ni Scarlet, tahimik rin na nakinig ang kambal sa likod habng walang imik sila Henry at Mr. Walter.
"Nasa sala ako. Saglit lang, gigisingin ko lang sila. My gosh! Natataranta na ako!" Nagpakawala ng malalim na hininga si Scarlet at mukhang hindi niya gusto ang reaksyon ni Lina.
"Lina, kalma! Gisingin mo sila Kuya Gerin. 'Wag kang lalabas ng bahay, may mangyayaring masama sa iyo." diretsyong sabi ni Scarlet kaya namn napasapo ako sa aking noo.
Bakit niya sinabi? Malamang ay macucurious na si Lina niyan sa pinagsasabi ni Scarlet. Mygosh! I can't believe she just said those words without any hesitation, is she even thinking what would be her reaction? I shake my head in disapproval and heaved a deep sigh.
"Alright! Eto na, kakalma na ako."
Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Scarlet dahil kinakabahan na ako. Nilalamig na rin ang kamay ko, tinanaw ko naman kung nasaan na kami pero nagulat ako sa nakita ko sa mga punong nadaanan namin.
I saw myself standing a few meter away from the roadway. Nakangiti ako ng nakakakilabot at nakataas ang aking kamay, nakaturo ang aking hintuturo sa direksyon ng sasakyang sinasakyan namin. I was wearing my pajamas, and my hair is so messy. No doubt, that was Epiales. Pointing his finger gun at my direction.
Nilingon ko si Epiales nang sandaling malagpasan namin siya. Sinundan nito ng tingin ang sasakyang umaandar ngunit nakababa na ang kamay nito. Nakangiti pa rin ng kakila-kilabot.
I didn't flinched, instead, I smirked.
You're dead, Epiales. Henry saw you.
. . .
UNEDITED