P H O E X E
. . .
"P*tang*na mong hay*p ka! Lumayas ka dito! Wala kang ibang ginawa kungdi mangbabae!"
Agad akong nakaiwas sa basong muntik ng tumama sa binti ko. Akala mo, sila lang nakatira sa apartment na 'to eh noh? Akala mo walang naiistorbo sa mga pagaaway nila. Akala mo walang nasasaktan na tenga sa lakas ng boses ng mga kapitbahay. Nakakairita. Araw-araw na lang ganyan ang mag-asawang 'yan at kahit si Nanay Berling (owner of the house) ay naiinis na rin dahil sa marami itong naiistorbo.
Speaking about her, nasa harapan ko na sya. Hirap na hirap pa syang ikawit ang dalawa nyang matabang kamay sa bewang nito para magmukhang "fierce" daw kuno.
"Pasensya ka na, Hija. Ah? Palalayasin ko na rin ang mga 'yan, mamaya. Pasensya ka na talaga, gusto mo dun ka muna sa amin--"
"'wag na po, may pasok din po ako." pagtanggi ko sa kanya.
"Bakit, hija? May gagawin ka pa ba pagkatapos mong pumasok sa paaralan?"
"Uh--opo. Alis na po ako," atsaka ako naglakad paalis. Baka malate pa ako kung makikipagusap ako sa matandang 'yon. Mas comfortable akong magisa kaysa may kasama. It's just like that I feel alive when im alone.
"Teka--" bago pa sya makapagsabi ng kung ano-ano ay binilisan ko pa ang paglalakad ko. Hindi nya na natuloy ang sasabihin nya dahil muntik na syang mahagisan na kung anong bagay na hinagis nung may katandaang babae.
Nakahinga na ako ng maluwag nang makalabas ako ng apartment.
After the day when I get the letter, walang nagparamdam sa akin. Hindi ako binabangungot. Who would not be afraid if the killer knows you? I felt like I've received death threat!
Inaamin kong kinabahan ako dahil sa panaginip na 'yon at hindi makatulog. Pero sa tingin ko kailangan kong mag-ingat sa mga kilos ko. Lalo na't may nakakaalam ng mga drinadrawing ko. Kung magsumbong naman sya tungkol sa mga ginagawa ko, mapapahamak rin sya. But for pete's sake! I got a letter from a stranger and that person knew my biggest secret! It makes me develop my anxiety again.
But then, I decided to keep and shut my mouth about that letter.
Nagpatuloy na akong maglakad papunta ng WU Cafè. Iyon ang part time job ko. Halos whole day akong nagtratrabaho doon kapag walang pasok. Kapag weekends ay whole day ako doon. Umuuwi ako sa unit ko ng 8 o'clock na ng gabi.
Ang sahod ko sa trabahong 'yon ay ang pinangbabayad sa upa ng tinitirhan ko. Kalahati lang ang binibigay sa akin kada buwan. Yes, magkapatid ang may ari ng apartment at ang may-ari ng cafè. Buti nga nakahanap ako ng matitirhan after that incident.
Pumunta ako sa maliit na eskinita kung saan dapat dumadaan ang mga staffs katulad ko bago makapasok sa café. We have our own entrance door for staffs. Bawal kasing pumasok ang mga staffs sa main door ng café, unless costumer ka. Isa sa mga batas 'yon na kailangan tandaan ng mga staffs. Ewan, ang daming alam. Tss.
Pumasok na ako sa café at agad kong naamoy ang aroma ng kape. Napakatapang nito at nakakagutom ang amoy. Nagmadali na akong pumunta sa locker ko at kinuha ang black denim apron na may nakalagay na nametag sa bandang taas ng kaliwa nito.
I wore gray sweatshirt and a black pants. Kailangan din kasi na ganito ng motif ng suot namin para tumugma sa aura ng buong lugar.
"Phoexe, ibigay mo nga ito doon sa omorder. Saglit lang," sabi ni Lina, ang tagahatid ng mga order sa bawat lamesa. Agad itong tumakbo sa banyo.
Kagaya ko ay nakatira din sya sa apartment na tinutuluyan ko kaya sya lang ang nakakausap ko kapag may duty. Pero magkaiba kami dahil sya marunong magentertain at palakausap sa ibang tao, kaya sya ang naging cashier namin dito sa café. Ako? Lagi lang akong nagaassisst sa mga katrabaho ko dito. Dahil karamihan sa kanila ay may edad na at matataray. Hindi ko kasi kayang makihalubilo sa ibang tao pero I still want to do the best version of myself. Wala naman akong problema doon. Ginagawa ko naman ng tama ang trabaho ko.
Lumabas na ako ng kusina at doon ko napansin na isa pa lang ang costumer namin. Nakatalikod ito at nakaharap sa may labas. Nakasandal din ito sa upuan at parang sanay na sanay sya sa lugar na ito. Tinignan ko muna ang pangalan nya sa resibo bago ko sya pinuntahan.
"Excuse me. Sir Henry?" at nang sandaling magtama ang mata namin ay may naalala ako.
Traitor....
He's a teenager. I thought that he is in around 20s, the way he sit. He even look like an adult in tuxedo suit. Yet his face looks young. Maybe he's just a matured young man.
Pero ang mas pinagtuonan ko ng pansin ay ang word na biglaang pumasok sa isip ko. Traitor? I never seen him before.
Hindi ko na lang inisip 'yon dahil paniguradong nakakita lang ako ng future nya. Siguro nga...
"H-here's your Marocchino and your one piece of chocolate mouse." Maingat kong nilapag ang 1 basong café at ang isang cake na inorder nya.
Hindi man lang nya ako pinasalamatan o kung ano pa. Pero aalis na sana ako ng mapansin kong merong black na kulay ang pinky fingernail nya. And out of the blue, inilublob nya iyon sa Marocchino café na inorder nya. Nasira na ang magandang presentation nito, at bahagya pang umapaw ito.
I feel bad, I know why he did that. "No one put a poison on your drink, Sir. Nor served a poisonous coffee for you. Hindi nyo na po kailangang dumihan ang kamay nyo." matabang na sabi ko.
He did that to know if there's a poison in his drink. By dropping his fingernail with a nail polish in the coffee. If the color it had changed, then it was poisoned. Isang kahihiyan naman sa pinagtatrabahuan ko nang malaman kong walang tiwala ang costumer namin dito.
Bored lang na tumingin sa akin ito habang nakalublob ang daliri nya sa tasa. Will he drink that coffee after this?
"I need tissue," nakabusangot na sabi nito. Kumuha naman ako ng tissue sa counter at madaling binigay ito sa kanya. Dumadami na rin ang tao kaya hindi n ako maassisst ni Lina dahil may ineentertain na ito.
Gamit ang kamay nyang nakalublob sa tasa, kinuha nya ang tissue sa kamay ko. Hinintay ko lang syang matapos sa ginagawa nyang pagpunas sa kamay nya.
Inabot nya sa akin ang tissue na ginamit nya, kaya nilaan ko ang kamay ko. Mahirap na. "costumers are always right." ayoko namang maalis sa trabahong 'to kung iwanan at awayin ko ang lalaking 'to. Besides, I don't want to argue with others. Such a waste of energy.
"Who knows? Your dirty hands might have a poison or bacteria? or anything that could lead people dead. It's your secondary job, anyway." kumunot ang noo ko sa sinabi ng lalaki. Hindi ko alam pero unti-unti na akong kinakabahan.
"What do you mean?"
"Nothing," inosenteng sagot nito.
I don't know but I have this gut feeling...
***
7 PM. Nandito pa rin ang Henry na 'yon. Kahit na tapos na syang kumain, nakaupo lang sya doon. Nagmamasid. Naiilang na rin ako dahil kapag napapadaan ako sa direksyon nya at tinititigan nya ako, sinusundan ng tingin, may kakaibang tingin.
His deep navy blue eyes stared at me without even blinking. His body is now straightly sitting on the couch, unlike earlier he looks bored. Every point of his finger met, forming a triangle. He refused to clean his table and get the cups and utensils in his table. What's weird is they were neatly arranged.
Kinikilabutan na ako. Bakit kasi hindi pa sya umalis? Ano pa bang gusto nya?
Pumunta ako sa kusina at hinugasan ang mga tasang kape at plato. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang titig ng lalaking 'yon. Haish! Hanggang dito ba naman! But seriously, that was the first time that I was in an awkward moment and feel that someone was watching me.
"Phoexe, kaano-ano mo si Sir Henry? Boyfriend mo ba?" biglaang sumulpot si Lina sa tabi ko. Her eyes glittered and sparkled. May ibig sabihin ang mga matang 'yan. I startled when I heard her question.
"Uh, H-hindi. Hindi ko kilala 'yon." I answered
"Pero bakit sya nakatitig sayo? Sinusundan ka nya ng tingin? Hindi kaya na love at first sight sayo 'yon?"
Inilapit nya pa ang mukha nya kaya nilayo ko ang ulo ko. May gustong alamin ng babaeng 'to. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanya, maski ako ay naguguluhan.
"I don't know--"
Natigil ako sa pagsasalita ng may taong padabog na inilagay ang mga utensils sa lababo. She darted us with her irritating eyes. Nakapameywang din ito sa amin. Meron pang talsik ng chocolate powder sa kanang bahagi ng baba nya.
"Bawal ang lande dito. Mga babaita kayo! Magtrabaho kayo, at ikaw may tao doon sa counter!" bulyaw nito sa amin. Madali namang nakalabas si Lina sa kusina. At naiwan ako dito sa awkward na presence.
"At ikaw, maghugas ka na lang dyan. 'wag ka nang lumabas. Echosera 'to. Akala mo maganda." Inihagis nito sa akin ang apron nya at nagayos. She even flipped her hair when she saw me staring at her.
I rolled my eyes as she continue to go out in the kitchen. I don't like to be bullied or to show that they should pity me. I just don't like getting onto other's bussiness. Buhay nila 'yon, nagsalita lang sila. Hindi ko na mababago 'yon. Ayoko lang talaga makipagsagutan dahil nakakasayang ng energy.
"aahh! OHMAYGOD! " napakalakas ng tunog na 'yon at hindi ko maiwasang mataranta at magtaka. Agad kong tinanggal ang gloves ko at lumabas ng kusina.
I can't believe this. Merong nakasubsob na babae sa lamesa. She has a beautiful black long hair. Dilat ang mata nito at bumubula ang bibig. And everyone is panicking.
This is the first time in our coffee shop to witnessed a poisoned woman.
. . .
Unedited