Eucha
"Where do you think you're going, my dear bestfriend?"
Ops! Enzo caught me on the act. I was about to open the entrance door nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. Nag-ayos pa naman ako ng maaga para sa usapan namin ni Caleb. Mukhang mapupurnada pa yata ang pag-alis ko.
Dahan-dahan akong humarap sa kaniya, saka ngumiti ng bongga.
"Nahuli mo ako." I said, saka nag-peace sign sa kaniya.
"Saan mo balak pumunta, ha? At tatakas ka pa, ha. Alam mo naman na delikado 'di ba? Kamuntik ka na ngang mapahamak, eh," salubong ang kilay na sermon ng bestfriend ko.
"Hindi naman ako mag-isa, eh. May kasama ako. Ihahatid niya rin ako dito mamaya. Kaya payagan mo na akong umalis, please..." I said, sa malambing na tono. I'm trying to convince him. Sana gumana.
"Dont tell me makikipagkita ka roon sa Caleb na iyon?" Salubong pa rin ang kilay na tanong ni Enzo sa akin.
"You got it right! Ang galing mo talaga bestfriend." Cheerful kong sigaw. Sana mahawa siya sa goodvibes ko.
"No way! I dont trust him, Eucha. Hindi ka makikipagkita o sasama sa kaniya. Ako ang nagdala saiyo rito. Responsibility kita. Kaya hindi ko hahayaan na malagay ka na naman sa peligro. You stay here, okay?" Enzo said with finality. He seem so serious.
Kainis! Mukhang mahihirapan ako na makaalis.
"Enzo naman, eh! Sige na kasi. Mamamasyal lang naman kami, eh. Tsaka ihahatid niya ako ng buo promise," I said, pleading to him.
"Neknek mo, Eucha! Tumigil ka. Hindi ka aalis." Enzo said with finality again.
"What's with that neknek thing?" It's Gab na pababa ng hagdan.
Para akong nakakita ng anghel na bumababa mula sa langit.
Tumakbo ako agad sa direksyon niya at hinawakan siya sa braso.
"Ano ang problema ninyong mag-bestfriend?" Gab asked, looking at me.
"Gab, I need your help. Magkikita kasi kami ni Caleb, eh. Kaya lang ayaw akong payagan ng magaling mong boyfriend." Sumbong ko kay Gab.
Sana sa akin siya kumampi.
"What?!? Makikipagkita ka sa stranger?" Exagge na react ni Gab. Mukhang alanganin din, ah.
"Hindi siya stranger. Ilang months ko na rin 'yung ka-chat sa social media, noh. Kaya hindi na siya stranger. And beside na-meet niyo na rin siya 'di ba?" Naka-simangot na wika ko.
'Wag naman sanang makampihan ang magjowa na ito. Dasal ko sa isip ko.
"Kung inaakala mo na kakampi saiyo si Gabby, think again, Eucha." Pang-asar na ngumiti si Enzo sa akin.
Bwisit!
"On the second thought, why not? Gwapo naman siya, eh. Mas guwapo nga lang ang boypie ko," Gab said. Nagningning ang mga mata ko sa narinig ko. Nakaramdam ako bigla ng pag-asa.
"Hey!" Warning naman agad ni Enzo sa girlfriend nito.
"Oo na mas guwapo na si Enzo sa kaniya. Tulungan mo na akong i-convince siya na payagan ako, please..." pabulong kong sambit kay Gab.
"Dont dare, Gabby." Enzo said, looking at us. Salubong pa rin ang mga kilay nito.
"I have an idea!" Gab snap her fingers.
"What?" Sabay naming tanong ni Enzo sa kaniya.
"Bakit hindi na lang tayo mag-double date?" Nakangiting suggestion ni Gab sa amin ni Enzo.
"What?!?" Sabay naman ulit naming sigaw ni Enzo.
I guess, hindi iyon magandang idea. Paano ko masosolo si Caleb? Tsaka paano ako mag-e-enjoy sa date namin kung alam ko na, nakabantay ang over protective kong bestfriend? First date pa naman namin ito.
"Ayoko!" Sabay ulit naming sabi ni Enzo.
"Mag-bestfriend nga kayo. Ang kj niyo! Masaya iyon, noh! Sige na pumayag na kayo. I will be your tour guide and Caleb also. For sure marami na rin siyang alam na lugar dito sa San diego." Gab said, trying to convince us. Lumapit ito sa boyfriend niya at humawak sa braso nito, naglalambing.
"Gabby..." Warning ni Enzo sa girlfriend.
"Pumayag ka na please.... Atleast kasama tayo ni Eucha. Plus makikilala rin natin 'yung Caleb na 'yon, noh." Gab is trying to convince her boyfriend more.
I was just looking at them. Thinking, baka kanina pa ako hinihintay ni Caleb.
"Should I change my clothes na? And get my coat and things?" Malambing na tanong ni Gab kay Enzo.
Napahinga ito ng malalim bago magsalita. "Oo na. Bilisan mo bago magbago ang isip ko." He said.
"Yes! I'll be back. Sandali lang ako promise!" Tuwang-tuwang tumakbo paakyat ng hagdan si Gab para kunin ang mga gamit niya.
Tumingin naman sa akin si Enzo and I just smiled at him ng alanganin.
Hay.... Should I be glad sa idea si Gab?
Well, I have no choice naman, eh. Atleast, I was still able to meet Caleb.
Ayun nga lang, may kasamang mga asungot. Wala nga lang sanang maging problema.
Caleb
Should I go home? Almost half an hour na akong naghihintay dito sa meeting place namin ni Eucha. Pero wala pa rin siya.
Kahapon after ng aksidenteng pagkikita namin, nag-chat na ulit kami. At niyaya ko siyang mamasyal. Para makapag-usap pa kami ng maayos. 'Yung walang epal na bestfriend around. Na bigla na lang siya hahatakin palayo sa akin.
Nagbago na kaya ang isip niya? O, baka naman hindi siya pinayagan ng epal niyang bestfriend. Napasimangot ako with that thought. Mukha pa namang kontrabida ang lalaki na 'yon.
Pero kung hindi siya darating sigurado naman na magsasabi siya, eh.
Ime-message ko na sana siya nang biglang may humintong cab sa tapat ng kinaroroonan ko.
Napangiti ako ng mula roon ay bumaba si Eucha.
Pero nawala rin ang ngiti ko nang may iba pang bumaba mula sa cab.
What the! Ano ang ginagawa rito ng bestfriend niya at ng girlfriend nito?
Don't tell me sasama sila sa date namin ni Eucha?
Ano 'to? Double date?
Paano ko naman makakausap si Eucha, kung may asungot siya na kasama?
This is supposedly our first date. And I want this to be memorable.
But how is it going to happen, kung may iba kaming kasama?
For sure maiilang kami ni Eucha na kasama sila.
Kaya hindi magandang idea na kasama namin sila.
I have to think kung paano ko sila madidispatsa.