Chapter 14: Goodbye

1399 Words
Caleb Ngayon lang nag-sink in sa akin ang sinabi ni Eucha that night. Masyado akong na overwhelm sa nararamdaman ko. Kaya hindi ko naisip 'yung bagay na 'yon. After that day naging busy ako sa company. May comference kasi at ako ang pinapunta ni daddy. Three days na ang nakakalipas mula nang araw na 'yon na nagtapat ako ng nararamdaman ko kay Eucha. And I'm happy, kasi pareho lang pala kami ng nararamdaman. But the sad part is the realization na hindi kami pwede dahil lang magkalayo ang mundong ginagalawan namin. Yeah. Pwede naman ang long distance relationship. But I don't believe on that. Kung pwede lang sana na dito na lang siya, eh. 'Wag na lang siyang bumalik sa Pilipinas. Pero hindi pwede. Doon ang buhay niya. Nandoon ang pamilya niya. Kainis! Ano'ng gagawin ko? Ngayon nga three days pa lang miss na miss ko na siya, eh. Gusto ko na siyang makita. Hindi ko na natiis. I dialed her number. After ng tatlong ring sinagot niya na ang phone. "H-hello?..." Nabubulol ako sa kaba. Huh? Pero natigilan ako nang magsalita siya. Bakit ganoon ang boses niya? Nevermind. "Hey! I miss you. Naging busy ako this past few days. Kaya hindi kita matawagan. Pwede ba tayong magkita ngayon?" Masigla kong tanong kay Eucha. Na-energize ako nang marinig ko ang boses niya. "S-sorry, Caleb. H-Hindi pwede, eh," she said. There's something talaga sa boses niya, eh. Bigla akong kinabahan. "Why? What's wrong, Eucha? Tell me," I asked her. "K-kasi Caleb papunta na kami sa airport ngayon." Parang nahihirapan siyang sabihin 'yung sinabi niya. "What?!? What do you mean sa airport?" Shocked naman na tanong ko. "S-sorry... C-caleb... Hindi ko nasabi sa'yo. Ngayon na ang alis namin ni Enzo. Babalik na kami sa Pilipinas." It seems na naiiyak na siya while saying that. Ako rin parang gusto ko ng umiyak. Aalis na siya? Babalik na siya ng Pilipinas. At ngayon na mismo? Wala akong idea na ngayong araw na pala 'yung kinatatakutan ko. "Wait for me. Pupunta ko ng airport." Hindi ako papayag na hindi ko siya makita. "Caleb-" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at tumakbo na sa garahe. Halos paliparin ko na 'yung kotse ko. I don't care kung overspeeding na ko. What's important to me right now is to get there sa airport. As fast as I can. I need to see her. Even if for the last time... Eucha We're on our way sa airport for our flight. Babalik na kami sa Pilipinas. Kailangan na kasi si Enzo sa company nila. One week lang naman kasi talaga dapat kami rito sa California. Na extend lang kami ng ilang araw. And now, I have no choice. We need to go home na. Kahit gusto ko pa siyang makasama. Hindi ko sinabi kay Caleb na aalis na kami. Gusto kong magpaalam sa kaniya. Pero hindi ko kaya, eh. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. After that night na nag-confessed siya sa akin. Sinabi ko rin na mahal ko na siya. Pero, I know imposible kami. Kasi hindi naman talaga ako tagarito. Umiyak pa nga ako that night. Even last night. Kasi naman, it was the first time na na inlove ako. Tapos ganito pa. Nakakainis 'di ba? Hindi naman ako pwedeng mag-stay dito ng matagal. At ngayon nga, babalik na kami sa Pilipinas. "Eucha, answer your phone, noh. Kanina pa 'yan nag-riring ah." Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko si Gab. Pagtingin ko sa phone ko... Caleb calling... Bumilis ang pintig ng puso ko. Sasagutin ko ba? "Sagutin mo na. He has the right to know," Enzo said to me. Pinindot ko na ang answer button saka dahan-dahan na itinapat sa tenga ko ang phone. "H-hello?..." Kinakabahang sabi ko. "Hey! I miss you. Naging busy ako this past few days. Kaya hindi kita matawagan. Pwede ba tayong magkita ngayon?" Masiglang sabi ni Caleb sa kabilang linya. "S-sorry, Caleb. H-hindi pwede, eh." Naiiyak na sagot ko. "Why? What's wrong, Eucha? Tell me," tanong ni Caleb. "K-kasi Caleb papunta na kami sa airport ngayon." Hirap na hirap na sabi ko kasi umiiyak na ako. "What?!? What do you mean sa airport?" Narinig kong shocked na tanong niya. "S-sorry... c-Caleb... Hindi ko nasabi sa'yo. Ngayon na ang alis namin ni Enzo. Babalik na kami sa Pilipinas." Tuloy-tuloy 'yung tulo ng luha ko. Naramdaman ko na hinahagod na ni Gab ang likod ko. "Wait for me. Pupunta ko ng airport." Narinig kong sabi ni Caleb. "Caleb-" Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko. Nawala na sa linya si Caleb. Ibinalik ko na sa bag ko 'yung phone. Saka ako napayakap kay Gab. "Hush, Eucha. Dont cry... Tama na..." Alo sa akin ni Gab. "Hay... We're here na. You will be okay, Eucha. Bumaba na kayo." Napabuntong-hininga na wika ni Enzo. Narinig kong bumukas na 'yung pinto ng kotse. Nandito na kami sa airport. Wala ng makakapigil. Aalis na talaga kami. "Compose yourself, Eucha. We have to go," Gab said. "S-sorry..." Nagpunas na ako ng mukha ko na basa na ng luha. "It's okay. Let's go?" Nakangiting aya sa akin ni Gab. Inabot ko ang kamay niya saka lumabas na kami ng kotse. This is it. Papasok na kami sa loob ng airport nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko. "Eucha!" Paglingon ko, it's Caleb. Patakbo siyang lumapit sa akin at bigla akong niyakap ng mahigpit. "Aalis ka na... Iiwan mo na ako kaagad..." Hinihingal pang sabi nito. Hindi ko na napigilan umiyak na naman ako. "Sorry..." "Kung kailan nag-confessed na tayo ng feelings sa isat-isa saka ka aalis. Ang unfair naman. Hindi ba pwedeng dito ka na lang? 'Wag ka ng bumalik ng Pilipinas." Sabi ni Caleb. Yakap niya pa rin ako. Parang ayaw akong bitawan. Lalo tuloy akong naiyak. "Kung pwede lang, eh. Pero hindi. I have to go, Caleb," I said, while crying. "Paano tayo? I love you, Eucha. Lahat ng sinabi ko sa'yo totoo 'yon. Ikaw din naman 'di ba mahal mo rin ako?" Caleb asked me. "O-oo. M-mahal din kita. Pero wala tayong magagawa, eh. I have to go..." Iyak pa rin ako ng iyak habang nakayakap din sa kaniya. "Babe, look at them. Kawawa naman sila. Kawawa naman si Eucha. Hindi ba siya pwedeng mag-stay? Narinig kong tanong ni Gab kay Enzo. "I know it is hard for her. Pero kailangan na talaga naming umuwi ng Pilipinas. Bukod sa hinihintay siya nila tita, tourist visa lang ang meron kami. Hindi siya pwedeng mag-stay dito ng matagal," paliwanag ni Enzo. Napapikit ako. Tama si Enzo. "Caleb, okay lang. Magkikita pa rin naman siguro tayo, eh. Tapos pwede ulit tayong mag-chat. Kahit everyday pa," I said to him, smiling. I'm trying to light up the mood. "Hindi na sapat 'yun ngayon. I want you here, Eucha," Caleb said to me. Yakap pa rin niya ako. "Pare, kailangan na naming pumasok sa loob. Sorry." Tinapik ni Enzo sa balikat si Caleb. "We have to go, Caleb." Sinubukan kung kumalas sa yakap niya. Pero ayaw niya akong bitawan. "Caleb, please... Let me go..." Nahihirapan na kong huminga. "5 minutes. Let's stay like this. Pagbigyan mo na ako, Eucha." He said. "Okay..." Hinayaan ko na lang muna siya. This will be our last moment together. We stay in that position. Savoring our last minutes together. After this hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita. After 5 minutes... "Time is up. You have to let her go na, Caleb. Maiiwan kami ng eroplano," untag ni Enzo sa amin. "Pabor 'yun sa akin," Caleb said. "Sa amin hindi. Ang mahal ng tickets, noh," biro ni Gab. Binitiwan na ako ni Caleb. Pero hawak niya pa rin ang kamay ko. "I love you, Eucha... Goodbye for now. But I swear magkikita pa tayo," madamdamin na sabi ni Caleb sa akin. "I-I love you, too, Caleb. Til we see each other again. Bye..." Tumalikod na ako. Binitiwan niya na ang kamay ko. Hindi ko na siya nilingon hanggang makapasok kami ng airport. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko, eh. "Hay... Ang bigat naman sa dibdib ng moment na 'yon," Gab said. "Stop crying na, Eucha. Baka ma-dehydrate ka n'yan sige ka," Enzo joked. I know he is trying to calm me down. Hanggang makapasok kami ng airport at makasakay ng eroplano iyak pa rin ako ng iyak. "Goodbye, Caleb..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD