Eucha "Eucha, nasa labas sila Gab. Aayayain ka raw nilang lumabas, anak." Hindi ko namalayan na pumasok si Mommy sa kuwarto. "Mom, pakisabi po ayoko." Nagtalukbong ako ng kumot. "Anak, mas okay kung lalabas ka with them." Naramdaman ko na umupo sa kama si Mommy. "Ayoko pong lumabas ng ganito ang itsura ko." Paano ba naman maga kaya ang mata ko sa kakaiyak. "Papapasukin ko na lang sila dito." Narinig kong na lang na sumara 'yung pinto ng kwarto ko. Hay.... Ang kulit talaga nila. Alam ko naman na concern lang sila sa akin, eh. "Hay naku, Eucha! Hanggang kailan ka ba ganiyan, ha?" dada agad ni Gab pagkapasok nila ni Enzo sa kuwarto ko. "Hanggang masakit pa d rin 'to, oh." Sabay turo ko sa puso ko. "Tsk! I told you that guy means only trouble to you," Enzo. "Tse! Sabi mo boto ka na

