Chapter 42: Dream come true

1853 Words

Eucha "Eucha! I said wake up!" sigaw ni Gab mula sa labas ng kwarto ko. "Oo na! Babangon na ko. Five minutes," sagot ko habang nag-iinat. Tinatamad talaga akong bumangon, eh. Paano ba naman late na kami nakatulog kagabi dahil sa launching ng clothing line namin ni Gab. "Nakailang 5 minutes ka na, noh! Nakapag-almusal na kami at lahat hindi ka pa bumabangon. Kapag hindi ka pa bumangon, kakaladkarin kita ng hindi pa nakakaligo. Madami pa tayong aasikasuhin," talak ni Gab at sa tono ng boses niya, mukhang nang-gagalaiti na siya. "Oo na. Ito na nga bumabangon na, eh. Maliligo na ako. Calm down." Bumangon na ako bago niya pa ako pasukin sa kwarto ko. "Hihintayin ka namin sa sala niyo. Bilisan mo, ha," hirit pa ni Gab. "Opo, madam!" Narinig ko na ang yabag ng paa niya palayo sa kwarto ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD