Habang nakasandal si Anya sa balikat ni Dark, napapangiti siya nang pinaglalaruan nito ang kanyang mga daliri. Nasa labas silang dalawa sa mga sandali na iyon habang nag-movie marathon. Habang nagbigay init sa malamig na gabi ang patuloy na pagsiga ng apoy sa may bandang bahagi. Agaw atensyon din ang mga magagandang ilaw sa paligid nila, na sa pagkakaalam niya, pinaglalaanan ayusin ng mga ka-grupo ni Dark. Isang linggo na rin mula nang maka-recover siya at inuwi siya ni Dark sa bahay nito. Noon niya lang talaga napagtanto na, marami itong bahay na pag-aari. Bantay-sarado rin ang bahay nito dahil, sa mga iilan na bodyguard. Sumilay sa labi niya ang ngiti at saka niya hinarap si Dark. Nangulila siya nang lubos sa lalaking ‘to at hindi niya napigilan ang sarili na kiligin na lamang bigla.

