MATULING lumipas ang isang buwan, grabe na kung makabakod si Dark kay Anya. Gaya ngayon, lihim nitong pinagseselosan ang kapatid na si Demon dahil, nagpresenta itong tumulong sa ginagawang pagtatanim ni Anya ng mga halaman. Wala siyang ideya sa ganoong bagay kung kaya tanging panonood lamang ang nagawa niya sa dalawa na kung magngitian ay parang magkalapit na ang loob. Nawala tuloy ang konsentrasyon niya sa trabaho. Bigla siyang nabagot at panay ang pagdadabog niya, pag-uugaling hindi naman nakaligtas sa paningin ng tatlong kasamahan niya. Sa pagkakataong iyon, sumilay sa labi ni Leiron ang ngising aso. Tumayo ito at pasimpleng tumingin sa labas. “Boss, sa tingin ko, mukhang magkasundo sina, Miss Anya at si Demon. Tingnan mo, mukhang ini-enjoy nila ang isa't isa,” nakakalokong ngising

