AFTER work, sinundo ni Stewart ang asawa. Hawak nito ang kamay ni Anika saka ito dinala sa labi upang halikan ang likod niyon. Napasunod ng tingin si Anika sa ginawa niya habang may ngiti sa labi nito. “How's work, Stew?” usisa ni Anika bagay na ikinangiti niya rito. His eyes is full of admiration. He loves her, “Diba, dapat ako nagtatanong niyan sayo,” Natawa si Anika. Hinigpitan ni Stewart ang kamay nito saka iyon tinitigan nang bahagya habang nagmamaneho ang kabilang kamay nito sa manibela. “Hindi ba napagod itong mga kamay mo kakatipa?” Umiling si Anika at pilya itong ngumiti. “Nope, you've kissed it already, nawala na iyong pamamanhid,” Para namang kiniliti sa sobrang tuwa sa Stewart. Iba yata ang epekto ng asawa niya. Kumbaga, wala itong kupas dahil, patagal nang patagal a

