NAALIMPUNGATAN nang gising si Anika. Tumama ang liwanag sa kaniyang mukha dahil sa ilaw na nagmumula sa kisame. Medyo, sumakit ang ulo niya. Bagay para pakiramdaman niya ang sarili. Maya’t maya pa ay, bigla siyang natauhan at napabalikwas nang bangon nang matitigan niya ang buong paligid. Mas lalo siyang kinabahan at lalong naalarma nang iba na ang suot niyang damit. Dahil, isa na iyong magkapares na pajama. “Oh God!” naiyak niyang naiusal. Dali-dali siyang bumaba mula sa hinigaan. Hindi na rin siya nag-abalang magsuot ng pangsapin sa kaniyang paa dahil, sa pagmamadali. Subalit, pagbukas niya sa pinto ay pagdidilim lamang ng kalangitan ang bumungad sa kaniya at isang malamig na paghampas ng hangin. The moonlight danced upon the gentle waves as the luxurious yacht sailed in the middl

