Chapter 8: First kiss?

1334 Words
Chapter 8 (R-18 SPG) Nginisian ako ni Joshua bago magsimula ang laban. "Lupaypayin mo ang kalaban Seah kagaya ng dati." Siraulo. Tinawanan ko siya at sumabay sa takbo ng mapunta samin ang bola. Agad na napunta sakin yon at tumalon para ipasok sa ring ang bola dahil sa ganda ng pwesto ko. "WOAH! ANGAS!" "The girl fired the first shot!" Ngumiti ako sa sarili at napansin kong nakakalokong nakatingin sakin si Triston na isa sa mga campus heartrobs daw. Ano tinitingin tingin mo jan? Ang sunod na puntos ay napunta muli saamin ng mashoot ko muli ang bola. Three points. Magaling akong umasinta kaya kapag napikon ako babatuhin ko ng bola ang mga kalaban namin ngayon pati narin ang mga taong napakaiingay. Kala mo mga baboy eh. Naagaw sa kakampi namin ang bola at maangas na nilagpasan ako ni Yeshua habang nakaharang ako sakanya. Walang kahirap hirap niya itong pinasok sa ring na ikinatili ng mga nanonood. Napatingin siya sakin na ikinangisi ko. Sisiguraduhin kong tatalunin namin kayo, Asshole. Mabilis at maganda kung kumilos ako syempre, hindi ang kalaban. Pawis na pawis ako ng magtime out. Agad na lumapit ang mga kakampi namin at inabutan ako ni Joshua ng pamunas sa pawis ko. Inilagay ko muna ito sa balikat ko at kinuha ang gatorade na binili ng kaibigan ko sakin kanina. "Galing mo Seah!" Puri sakin ng kakampi ko na di ko naman kilala. Pati rin ang iba ay pinuri din ako at kung ano ano pa. "Thank you." Nahihiya kong sagot sakanilang lahat at bahagyang napatingin sa kumuha ng pamunas ko. Nagulat ako ng pinunasan nito ang mukha ko habang nakatingin ito sakin. "Ako na, kaya ko naman e." Pilit kong kinuha ang pamunas ko sakanya pero nabigo lamang ako. Parang sira talaga tong si Joshua. "Magjowa ba kayo?" Tanong ng kung sino na nakuha ang atensyon ko. Hinahantay din ng iba ang sagot namin ng biglang nag time in na sa game. Hinatak na ko ni Joshua sa mga kakampi namin ng walang paalam para bumalik na sa laro. Tsk. Nang magsimula na ulit ang laro, seryosong nagsibalikan ulit ang mga players. Napatingin ako kay Yeshua na ang itim ng aura at galit ba siya? "WAAAAAAAAAAAAAH!!" "KYAHAAAAAHAAAH!!" Nasa kalaban ang bola habang drinibble ni Sevi na nagtuturo sa kung saan saan na pagtatangkaan niyang pasahan ng bola. Paulit-ulit na kilos at galaw ang mga ginagawa namin, lahat ay nag-iisip kung paano kukuhain ang bawat puntos. Magagaling ang mga kalaban namin at hindi ko maipagkakaila, dahil lagi silang panalo sa Varsity, at iba rin ang mga galawan. Sanay na sanay. Pero dahil sa kung saan saan na din ako nakadayo noon kasama ang mga dati kong kaibigan na hindi ko na alam kung nasaan na, alam ko na kaya kong makipagsabayan sakanila at papatunayan ko yun ngayon. Mabilis na tumakbo si Angelo palapit kay Luke at nang nakabwelo pinasa niya ang bola kay Triston na agad namang pinasa kay Yeshua. Sa isang mabilis na paggalaw ni Yeshua ay tumira siya't nahulog ang bola. "WAAAAAAAAAAAAAH!!" "I LOVE YOU YESHUA!! "GO CAPTAIN FOR THE WIN!!" Inayos ko ang tali ng buhok ko habang nakikipagsabayan sa mga kalaban. Takbo dito, takbo doon, pasa dito, pasa doon. Sayang ang pustahan, kung ipapatalo namin 'to basta basta. "Seah!" Sigaw sakin ni Gab na kateamate ko at mabilis na sinambot ko ang bola na binato niya, muntikan pang maagaw ng kalaban. Tsk. Tumalon agad ako upang ihulog 'yon ngunit nabigo ako ng nagkamali ako sa pagtalon. "Tsk. Stupid." Inis kong bulong sa sarili. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong sakin ni Sevi ng lapitan niya ko, hindi ko na siya pinansin at tumakbo nalang ulit ako para bumalik sa laro. Dikit na dikit na ang laban, tagaktak na din ang pawis ko at gahol sa paghinga. Nagkatinginan kami ni Yeshua na seryosong nagpapahinga gaya ko at madilim parin ang paraan ng mga tingin nito. Nag-iwas ako ng tingin sakanya ng mapansing natanggal na pala ang sintas ng sapatos ko. Lahat ng manlalaro ay ganadong-ganado para manalo. Tinuloy namin ang laban hanggang sa natapos na namin ang laro. "Ang dudumi niyo maglaro bullshit!" "Hindi niyo lang kami natalo eh! Mga bobo!" Galit na galit na lumapit si Triston kay Yago sa kakampi namin at marahas na pikon niya itong sinuntok. Hindi na gumanti si Yago at tinawanan lang niya ito ng malakas na mapang-aasar. Lalong nagalit si Triston, at tatangkain pa sanang lumapit sakanya para umulit ulit ng suntok, ng inawat na siya ng mga kaibigan niya. "WAAAAAAAAAAAAAH!!" "WHAT HAPPENED?!" "OMG!!" Nagkapikunan ang magkabila naming kupunan ng matapos na ang laro. Tsk. Mga ayaw tanggapin ang pagkatalo. Lumapit ako sakanila at tinulungan ang mga kakampi ko para makiawat sa gulo. "Kung ayaw niyo ng natatalo, edi, wag na kayong makipaglaro samin mga puggok!" Pang-aasar ni Yago sa kabilang kupunan. Nilapitan ko siya at binatukan para tumigil. "Tumigil ka na nga!" Hinatak namin siya ng matauhan. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Natalo namin sila. Mas magagaling naman sila kung ikukumpara samin, pero may pagkarumi maglaro ang kupunan ko, kahit ako mapipikon. Buti nalang malaki ang pustahan namin dito kaya di na ko umangal sa pandadayang ginawa ng mga kakampi ko. Hindi din naman ako mapapakain ng konsensya ko kapag nagkataon. Pinagmasdan ko ang mga nakalaban namin na balak na atang magsi-alisan na, kumunot ang noo ko ng mapansing napatingin si Yeshua sa direksyon ko na parang kanina niya pa ko hinahanap. May kailangan ba siya sakin? Naglakad siya palapit sa direksyon ko habang hindi inaalis ang tingin niya sakin na hindi ko mabasa. Matapang na nilakad ko na lang din ang paa ko para salubungin na lang siya. "Yesh-" "Let's talk." Bigla niyang hinatak ang kamay ko at kinaladkad sa kung saan. "Saan mo ba ko dadalhin?" Gulat na reklamo ko na hindi niya sinagot. Baliw ba 'to? "Bitawan mo nga ko!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sakin, pero hindi ako makawala sakanya dahil sa madiing hawak niya sa pulsuan ko at mas malaki siya kumpara sakin. Ano bang pag-uusapan namin at kailangan niya pang kaladkarin ako? "Ah! Aray!" Binitawan niya na ang kamay ko ng ng dalhin niya ko sa madilim na lugar. Mahalaga ba ang sasabihin niya?! "Bakit mo k-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya kong hinalikan. H-hinalikan? Ang first kiss ko! Pilit kong tinulak si Yeshua sa dibdib niya para makawala ako, pero Lalo niya lang diniin ang sarili niya sakin at ang pagkakahawak niya sa batok ko at mapusok akong hinalikan. Nang nagkaroon siya ng pagkakataon ipinasok niya ang dila niya sa bibig ko na hindi ko magawang makalayo. I don't like the idea of kissing someone who's totally a stranger, that's why I didn't respond. Tanging luha lang ang naiganti ko sakanya. Nawalan ako ng lakas ng itinigil niya na ang ginagawa niyang panghahalik sakin, nagsibagsakan lalo ang mga luha kong pinipigilan sa galit ng binitawan niya na ko, at hinabol ko na ang paghinga ko. "I told you, didn't I? get away from other men, dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko." What? Napatingin ako sakanya sa narinig ko ng naguguluhan. Told me? Kinuyom ko ang kamay ko sa galit at agad na sinuntok ang mukha niya. "f**k you! You f*****g k-kiss me!" Susuntukin ko pa sana ulit ang mukha niya ng pinigilan niya ang kamay ko. "I didn't give you anything permission to do that, baliw ka!" Hindi niya ko sinagot at hinawakan niya lang ulit ang kamay ko para tumigil. What the f**k is wrong with him para halikan ako ng basta basta?! "First kiss ko 'yon tangina mo." p*****t ka! Lalo akong nagalit dahil parang wala lang sakanya 'yon, hindi ko siya maintindihan! "Nice to hear that," hinawakan niya ang chin ko at hinarap sakanya para titigan ang mga mata ko. "Akin. ka. lang. Heavenly Seah Licauan. Akin. Wala ng ibang pwedeng humalik sayo, kundi ako lang. I'll kill them kapag malaman ko lang na ginawa din nila yan sa labi mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD