Steffi's P.O.V: Nang matagumpay na napaalis ni Kyla si Yohan ay muli siyang bumalik sa kanyang pwesto. Hindi ko na siya pinansin at inabala na lang ang sarili sa pag-ayos ng mga gamit ko, at sa pagpili kung ano nga ba ang susuotin ko. "Alam mo, naghihinala na ako sa inyo ni Yohan," ani Kyla. Kumunot ang noo ko at hindi na nag-abala pang magsalita. "Ang totoo, magkaibigan lang ba talaga kayo?" tanong niya. "Of course. Ano ba namang klase ng tanong 'yan," sagot ko. "Wala lang. Ang sweet niyo lang kasi. Ah!" Tinaasan ko siya ng kilay nang umarte siya na parang may naalala. "O baka, nililigawan ka pa lang niya?" I made a face at her. "That will never happen. Kyla, we're just friends. Hindi niya ako puwedeng ligawan." Nagtaka naman siya sa sinabi ko. "At bakit naman?" "K-kasi…" Nag-ii

