Steffi's P.O.V: Yumuko siya saka umiling. “Kailangan ko. Mabawasan man lang ang posibilidad na tuluyan kang lumayo sa’kin. Masisiguro ko man lang na hindi ka ilalayo ng mga magulang mo sa’kin...sa’min. Paano ko ipapaalala ang lahat sa’yo kung nasa Canada ka? At kung may maalala ka man sa paggising mo, paano kita sasamahan sa paggaling mo? Kahit ngayon lang, Steff, kahit ngayon lang. Gusto kong maging makasarili.” That will be very useless. Ilayo man nila ako o hindi, wala pa ring pinagkaiba ‘yon. Hindi pa rin naman namin makikilala ang isa’t isa. Parehas kami ni Yohan. We are both selfish. Selfish siya for choosing to let go of me, and o make sure na hindi ako ilalayo ni Mommy at Daddy. I’m also selfish because I know what will be the possible consequences if ever na babalik na ako sa k

