Steffi's P.O.V: Nang makabalik ako sa pwesto namin ay naabutan ko pa rin silang nagkukwentuhan. I frowned when I saw an empty chair beside my seat. Saan naman kaya pumunta ang kumag na 'yon? Iginala ko ang mga mata ko sa buong sulok ng restaurant na ito ngunit kahit na anino man lang ni Yohan ay hindi ko nakita. "Oh, Sam, nandyan ka na pala!" narinig kong sigaw ni Kyla. Ipinagpatuloy ko na ang paglakad ko papunta sa lamesa namin saka umupo sa pwesto ko kanina. Hindi ko pinahalata sa kanila na hinahanap ko si Yohan. Inabala ko ang sarili ko sa pagkaing hindi ko natapos kanina. Pinakinggan ko lang mga pinag-uusapan nila. "Sir, ano po ba ang gagawin natin sa araw na ito?" tanong ng isa sa mga kasamahan namin—si Gab. "You are all free for today. You can do whatever you want, except for te

