Steffi's P.O.V: "Gusto niyo bang pumasok muna tayo?" Dad offered. "Miguel, hindi pa rin marehistro sa utak ko na ginawa mo 'to," ani Nanay. "At least dito, Nay, alam namin na maayos ka. Nag-aalala kasi kami ni Steph sa'yo nang malaman namin kung saan kayo nakatira kasama ang apo niyo. Kaya naisip namin na ibigay na lang ito sa inyo. Wala na po kayong dapat na ipag-alala. Nakapangalan na po sa inyo ang bahay na ito, at si Yohan ang magiging tagapagmana nito." Walang nasabi si Nanay at niyakap niya na lang si Dad. The next thing we heard, she's already crying. I know she's crying because of too much happiness. Ito namang mokong na nasa gilid ko ay tahimik pa rin. He's speechless. "Maraming salamat. Maraming salamat," paulit-ulit na sambit ni Nanay. Hinagod lang siya sa likod ni Daddy.

