II

1756 Words
My One Week Isany's Point of View Pwede bang magback out? Ang tanga tanga ko! Mas lalo ko silang ininis kagabi at mukhang pagsisisihan ko 'yon dahil nararamdaman kong mas lagot ako ngayon! "Isany... Are you okay, baby?" Umangat ang ulo ko at ngumiti kay Daddy.  "I'm fine." Sinuklian ni daddy ang mga ngiti ko kaya kumalma ang loob ko. "It seems like you are afraid." Inakbayan ako ni kuya Joshua matapos niyang sabihin iyon. Gustong gusto kong tanggalin ang mga kamay niya dahil kinikilabutan ako sa mga hawak niya. "Anong kinatatakot mo, Isany?" Kumunot ang noo ko sa katabi kong si kuya Jacob. Gusto ko talagang magpalamon na lang sa lupa dahil sa nangyayari ngayon! "Kung ano man ang kinakatakot mo, 'wag ka mag alala. Nandito lang kami." Halos magtaasan lahat ng balahibo ko sa bawat parte ng katawan ko dahil sa bulong na iyon ni kuya Mike. Hindi ko talaga alam kung kakayanin ko pa ba ang isang linggong 'to! "We will always be here for you." Pag lingon ko kay kuya Edison, nakangiti siya. Hindi ko na alam! Para akong mababaliw dahil alam ko na agad ang future ko sa susunod na linggo. Gusto ko na lang talagang mag disappear sandali at makalimutan ang mundong ito! "Nand'yan lang naman pala ang mga kuya mo eh. Hindi ka pababayaan ng mga iyan. Pag-iisang kwarto na lang namin kayo 'pag dating natin d'on. Ayos ba 'yon, Isany?" Napalunok ako sa tanong ni daddy. Nasa kotse kami ngayon at on the way kami kung saan man kami pupunta. Hindi na talaga ako makagalaw at pakiramdam ko, nasasakal ako ng kung sino man. Tumunog ang cellphone ko. In-enjoy ko na naman ang kanta bago ko tuluyang sagutin. "Hello?" Sagot ko nang hindi tinignan kung sino ang tumawag. Tinanggal ni kuya Joshua ang pagkakaakbay niya sa akin at tumikhim. Tinignan ko naman siya pero agad kong binawi nang marinig ko ang boses ni Chase sa kabilang linya. "Isany Ko!" Tinignan ko pa ang caller para ma-confirm. Siya nga ito.  "Chase Ko!" Halos impit na lang ang boses ko dahil hindi naman ako pwedeng mag ingay.  "Tss." Napatingin ako kay kuya Jacob, ano na namang problema niya? "Miss na kita agad ah." Nawala na ulit ang atensyon ko kay kuya Jacob dahil nagpapakilig na naman itong si Chase.  "I miss you more!" Sumandal ako sa upuan at napangiti. "Ay? Ang baby girl ko, may boyfriend na." Pang aasar ni mommy. Napangiti ako sa idea, pero... hindi pa eh. "Mom! hindi ko po s'ya boyfriend." Natawa si mommy dahil sa sinabi ko.  "Oh paano ba 'yan? Okay na pala ako sa mommy mo eh." Gusto ko na lang ulit magpagulong gulong dahil sa kilig na dala nitong si Chase! "Hindi pa pwede, ha? Dadaan muna sa 'min 'yan at sa mga kuya mo." Muntik na ulit ako mapairap dahil sa sinabi ni daddy. As if naman may choice ako, kapatid ko pa rin sila kahit na kampon sila ng kadiliman. "Yes, daddy." Natawa na lang ako sa sinabi niya kahit na alam naman ng lahat na peke iyon. I mean, oo, idadaan ko kay daddy si Chase pero sa mga demonyong 'to? Hindi na lang, ano! "Pakilala mo na ako sa Dad mo para naman legal na tayo." Kinagat ko ang labi ko habang nag d-daydream tungkol sa amin ni Chase. Ano kayang pakiramdam maging legal sa parents? Wala kang p-problemahin na baka mahuli ka or what. Ang saya siguro n'on. Hindi ko nga alam kung bakit may mga parents na ayaw mag boyfriend ang mga anak nila. I mean, hindi ba sobrang sarap sa feeling na alam mong safe ang anak mo? May tao kang aasahan kapag may gala 'yung baby girl mo or what. May tao kang sure na tatawagan kapag nawawala 'yung anak mo. May tao kang mapagkakatiwalaan na magbabantay sa anak mo. Ang sarap sa feeling na may assurance. 'Yung hindi mo na kailangan mag worry pa dahil alam mong nasa mabuting kalagayan ang anak mo dahil kasama niya 'yung boyfriend niya. Alam mo na may mag p-protekta sa kan'ya sa oras na may bumastos sa kan'ya o may umaway. Isa pa, mas mapapahamak lang naman ang anak kapag hindi naging legal sa parents. At bilang anak, ang sarap din sa pakiramdam na hindi mo kailangan mag tago sa parents mo. Hindi mo kailangan magsinungaling kung sino ang kasama mo at kung saan ka pupunta dahil alam na nila at hindi mo kailangan mag worry na baka mahuli ka nila or what. Ang sarap lang sa feeling. Sana ma-realize ng bawat parents 'yon. "Stop it, Isany!" Kumunot ang noo ko at tumingin kay kuya Josh na nakatingin ngayon sa mga labi ko. "Stop what?" Wala sa mood kong tanong sa kan'ya. Ang lakas talaga ng sapak ng isang ito! "Stop biting your lower lip. Baka magsugat 'yan!" Inirapan ko naman siya. Ano bang pakialam niya? At kailan pa siya nagworry sa akin na baka magkasugat ako? Ah, so kapag ako ang may kasalanan ng sarili kong sugat, bawal? Kapag sila, pwede? Edi siya na lang kumagat ng labi ko para siya ang may kasalanan ng sugat! Ang laki ng problema niya! "Isany ko, 'pag hindi mo na kaya sa bahay niyo, sabihin mo lang ha? Itatanan na kita." Napangiti ako. Pwede ba? " Kung pwede lang eh." Hindi ko sinasad'yang sabihin iyon pero kusang lumabas iyon sa bibig ko. "Yie! Gusto niya na rin." Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya, "'Wag ka mag alala, 'pag naka-graduate na tayo, hahanap ako agad ng trabaho tapos papakasal na tayo." Kinagat ko ulit ang ibabang labi ko. Wala akong pakialam sa sasabihin ni kuya Joshua dahil labi ko naman 'to! "Eh hindi pa nga tayo eh!" Halos pabulong ko na lang sinabi iyon dahil baka marinig na naman ni mommy. Muli ko na namang kinagat ang labi ko. "I said, stop biting your lips Isany!" Hindi ko siya pinansin dahil wala namang ibang nakakarinig sa kan'ya kung hindi si kuya Jacob. Dahil nasa likuran kami ng sasakyan. Ang nasa gitna ay sina kuya Mike at kuya Edison. "Sige na. Bye na Isany ko! Mamaya nalang ulit. I love you." Napatigil naman ako sandali sa sinabi niya. Wala namang masama kung sasabihin ko ang tunay kong nararamdaman, hindi ba? Paano kung katapusan ko na pala ngayong araw na 'to, eh 'di, hindi ko na nasabi sa kan'ya? "Hmm... I love you too." Pabulong kong sabi sa kan'ya para hindi ulit marinig nila mommy. Lagot na naman ako rito dahil sa kalandian ko eh! "What?" Imbis na ibaba niya ay nagawa niya pang mag tanong ulit. Siguro ay nabigla rin siya sa sinabi ko. Kaya naman tumawa ako.  "I will say it once. Kaya sorry ka kung 'di mo narinig. Bye Chase ko!" Magsasalita pa sana siya pero hindi na natuloy dahil tinapos ko na ang tawag. Tinignan ko ang mga kapatid ko at nakita kong tulog ang mga ito. Si kuya Joshua naman ay naka-earphones. Hindi ako pwedeng mag ingay kaya naman kinagat ko na lang ulit ang labi ko para mapigilan ko ang kilig ko. "Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa 'yo na tigilan mo iyan? Hindi ka ba marunong makinig?" Tinignan ko si kuya Joshua. Mahina lang ang boses niya pero may diin sa bawat salita niya. "Why, kuya Joshua? Is it seductive for you?" I asked with my seducing voice. Babae din ako ano! Marunong ako lumandi. Pero kung malandi ko man itong si kuya Joshua, pambawi lang iyon sa mga kasalanan nila sa akin. Pero dahil mabait din ako at tinuturing ko siyang kapatid, at ayaw ko rin magkasala sa mata ng Diyos, hindi ko gagawin. Nakakikilabot! Hindi na siya sumagot ulit at tumingin na lang sa bintana nang nakakunot ang noo. Inaantok na ako at hindi ko na alam kung hanggang saan ko pa ba kakayanin pigilan ang antok ko. -- Joshua's Point of View Ang sexy niyang tignan kapag kinakagat niya ang ibabang labi niya! Gusto ko siyang hawakan. Hindi ko alam kung bakit nat-turn on ako. Nagiging manyak ako dahil sa kan'ya! Sa taong kinaaayawan at sinusumpa ko pa! Sobrang nasusuka ako at nang didiri ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko ito. Tawag lang ito ng kalikasan, naniniwala ako.  "Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa 'yo na tigilan mo iyan? Hindi ka ba marunong makinig?" Tinignan niya ako. Mapungay ang mga mata niya. Siguro ay inaantok na siya at mukhang pagod na pagod siya. "Why, kuya Joshua? Is it seductive for you?" Halos mapatayo ang alaga ko dahil sa boses na ginamit niya. Putragis naman! Hindi na lang ako nagsalita at tumingin sa bintana na para bang gusto ko itong suntukin. Maya maya ay naramdaman kong nahiga na siya sa balikat ko. "Isany!" Tinawag ko siya pero huli na ang lahat, tulog na siya. Tinitigan ko siyang mabuti. Mahaba ang pilikmata niya, maputi, matangos ang ilong, mapupula ang mga labi at masarap halikan. All-in-all, maganda siya. Pakiramdam ko nga, kung hindi lang namin siya kapatid... este--- stepsister, nagustuhan ko na ang isang ito. Kaso, sa kasamaang palad, siya ang binigay ng mundo sa amin para pahirapan. Mabait naman kaming apat eh, si mommy at daddy ba naman ay sobrang banal, pero nagiging masama ang ugali namin pagdating sa kan'ya, dahil ayaw namin sa kan'ya.  Nawala ako sa focus nang may naramdaman akong nag vibrate. Tinignan ko ang cellphone ko at hindi naman iyon ang nag vibrate kaya tinignan ko naman ang kay Isany. Kan'ya nga, nag text ang Chase niya. Binasa ko iyon dahil alam ko ang passcode niya. Chase Ko <3: I missed you already. Dahil naiirita ako sa kalandian nilang dalawa kanina pa, nireplyan ko. Me: I don't care and please stay away from me! K? Hindi ko na ulit iyon ginalaw pero dinelete ko ang message ko dahil mahirap na at baka mahuli.  -- Chase's Point of View Tinext ko si Isany. Hindi ko alam, pero nababakla talaga ako pagdating sa kan'ya. Sobra akong kinikilig dahil sobra ko rin siyang gusto. Ilang taon ko na rin siyang nililigawan, handa naman akong maghintay lalo na ngayon na nag I love you too na siya sa akin. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Nag reply na siguro siya. Isany Ko <3: I don't care and please stay away from me! K? Nagdadalawang isip ako. Okay naman kami kanina, ah? Tatawagan ko sana siya pero na-realize ko na... 'wag nalang. Good luck na lang sa one week niya. Baka, hindi niya na ako kailangan sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD