I'm Sorry
Isany's Point of View
Naiiyak ako kasi wala akong magawa! Dapat mayroon akong gawin kasi ako ang may kasalanan kung bakit sila nand'on! Inalalayan ko sila patayo kanina at napagalitan ako dahil hindi pa raw tapos sabi ni daddy. Dapat ako na lang ang nand'on!
Tumunog ang phone ko kaya naman sinagot ko ito kaagad nang hindi tinitignan kung sino ang tumawag
"Annyeong Haseyo?"
"Kailan ka pa naging koreana, babe?" Babe? Sino naman ito?
"Babe?" Tinignan ko ang caller at nakita na si Chase iyon. Hindi naman kasi babe ang tawag niya sa akin kaya nabigla ako.
"Isany ko pala." Pagtatama niya sa una niyang sinabi. Kahit papaano, napangiti ako.
"Chase, I have a problem." Halos matahimik ang kabilang linya kung hindi lang dahil sa mga naririnig kong daan ng mga sasakyan.
"Kailan ka ba nawalan ng problema?" Napaisip ako r'on. Tama naman siya. Tuwing tumatawag siya ay palagi akong may problema pero ang sama pa rin ng ugali niya!
"Ano ba 'yan! Ayoko na ngang sabihin!" Pagd-drama ko sa kan'ya. Natahimik siya ulit.
"Ano na nga 'yon?" Tanong niya. Bumuntong hininga ako.
"Nalaman ni mommy at daddy 'yung mga ginagawa sa akin ng mga kapatid ko. Naparusahan sila ngayon. Napaluhod sila sa hagdan tapos napalo si kuya Jacob ng dos por dos. Chase, ang hirap naman na gan'on kasi alam kong ako may kasalanan." Natahimik na naman siya. Hindi siya nagsalita ng mga ilang segundo.
"Ayun naman pala eh. Eh 'di ayos lang 'yun." Seryosong sabi niya. Walang bahid na biro at pagsisisi ang mga salitang binitawan niya.
"Chase! Ayaw ko naman ng gan'on!"
"Alam mo? Mag sorry ka na lang sa kanila tapos sabihin mo sa daddy mo ulit na itigil na ang parusa. Gan'yan ka naman, hindi ba? Ikaw na nga ang nahihirapan, ikaw pa rin ang nag a-adjust para sa mga 'yan. Go to your brothers now and say sorry even though it's their fault. Malay mo, by that, matanggap ka na nila. Go now. Basta ako, nandito lang ako kapag kailangan mo ako. I love you, bye!" Hindi ko pa natatapos ang dapat kong sabihin nang ibaba niya ang phone.
"Bastusin!" Bumuntong hininga ako at sinubukang sumilip mula sa kwarto ko. Nand'on pa rin sila kaya naman bumaba ako at tinabihan ko sila.
"Ano ginagawa mo dito?" Napabuntong hininga ako at yumuko sa tanong niya. Guilty ako kahit na wala naman akong parte sa nangyari. Sila ang nagtatalo sa kung ano kaya sila nahuli. Although, hindi ko pa rin alam ang pinagtatalunan nila kaya nalaman nila daddy.
"Sorry mga kuya. Hindi ko naman talaga intensyon na gan'yan eh! Pinilit ko si daddy na huwag na lang pero hindi siya marunong makinig dahil galit na galit talaga siya."
"Wala nang magagawa 'yang sorry mo. Nangyari na 'di ba? Magsasayang ka lang ng laway sa pagpapakitang tao mo. Ang totoo naman kasi, talagang gusto mo ang nangyari." Malamig ang boses ni kuya Jacob. Halos saksakin ko na ang daliri ko dahil gusto ko na talagang umiyak!
"Jacob! Tigilan mo na nga ang paninisi kay Isany. Wala naman na siyang ginagawa! Tayo ang may kasalanan nito dahil nagtatalo tayo!" Sigaw ni kuya Joshua na nagpapikit na naman sa akin. Tumayo ako at umalis sa tabi nila.
Pumunta ako sa kwarto nila daddy. Kumatok ako. Malalim ang hininga ko dahil hindi ko talaga alam kung anong mangyayari.
"Come in!" Narinig kong sigaw ni mommy kaya pumasok ako. Nakita ko si daddy na nakahiga. Nakatingin silang dalawa sa akin.
"Daddy! Please po tigil niyo na po ang parusa niyo kanila kuya. Wala naman silang ginagawang masama sa akin eh." Pagmamakaawa ko ulit kay daddy. Si mommy naman ay nakatingin lang sa akin.
"Isany, narinig namin ang lahat. Hindi sila p'wedeng tumayo r'on hangga't hindi nila inaamin ang mga kasalanan nila. That's final." Halos mawalan na ako ng pag asa sa sinasabi ni daddy sa akin ngayon. Paano naman mangyayari 'yon eh matataas ang pride ng mga iyon?
"Daddy! Akala ko ba two hours lang?! Daddy, ako na po nag so-sorry para sa kanila. Please, daddy."
"Isany, baby, you don't have to do this. Kasalanan nila 'yon and they need to pay for it. You don't need to beg for them." Nang magsalita si mommy ay nawalan na nga talaga ako ng pag asa. Hindi ako kinampihan ni mommy this time kaya alam kong wala nang patutunguhan ang mga sinasabi ko ngayon.
"What can I do for you to forgive them? Do I need to kneel, too? If so, then I will," Lumuhod ako sa harap nila mommy at nakita ko ang panlalaki ng mata ni mommy at pagtayo ni daddy. "Aaminin ko po, mommy, daddy, pinapahirapan po nila ako. Pinagt-trip-an nang maraming mga bagay. Pero never nila akong sinaktan, mommy. Never pa. Puro pang t-trip lang. Please po, tama na daddy." Pinagdikit ko ang dalawa kong kamay para lang magmakaawa.
"My God, Isany! Stand up!" Inalalayan ako ni mommy na tumayo.
"I can't say no to you, baby, come here." Halos abot langit ang ngiti ko nang sabihin iyon ni daddy. Umayos ako ng tayo at niyakap siya nang mahigpit.
"Sa kwarto lang ako, daddy. Thank you!" Tumalon talon ako at lumabas ng kwarto nila daddy. Tumakbo ako sa kwarto dahil hindi ko alam ang sasabihin nila daddy sa kanila kuya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto nila daddy. Sumilip ako ng kaunti sa pintuan ko para makita.
~
Edison's Point of View
Nandito kami sa hagdan at nakaluhod pa rin. Hindi ko alam na uso pa pala ang mga ganitong parusa kahit na matanda ka na. Paano ba naman kasi? Kasalanan ni kuya Joshua at ni Isany ito! Bakit ba naman kasi napakalambot ng puso ng kapatid ko?
"Tumayo na kayo r'yan!" Sigaw ni daddy. Nakadalawang oras na ba? Halos fifteen minutes pa lang ata ang tinatagal namin dito.
"Oh ano? Ayaw niyo pa?" Sabay sabay naman kaming tumayo. Halos hindi ako makatayo nang maayos dahil sa sakit ng tuhod ko. Sobrang sakit talaga, f**k!
"Dad, we're sorry." Kumunot ang noo ko kay kuya Joshua. Hindi ko pa rin makakalimutan na parte siya kung bakit nangyari 'yon. Kung hindi kasi niya sinasabi ang mga kahibangan niya, eh 'di sana, hindi na kami naparusahan!
"It's okay. Kaya nga pinatayo ko na kayo, hindi ba?" Seryoso pa rin ang tingin ni daddy. Tahimik at nakasimangot lang ako.
"Daddy, bakit po?" Halos patayin ko si Jacob sa tanong niya. Ayaw ba niya? Ako na lang ang magpapaluhod sa kan'ya!
"Your sister explained everything to me. I'm so sorry dahil binigyan ko ng ibig sabihin ang mga sinabi niyo kanina. Alam ko na ngayon na hindi niyo naman sinasaktan ang kapatid niyo." Halos maduwal ako sa sinabi ni daddy. Nagpakitang tao na naman!
"Thank you, daddy." Si kuya Mike. Umiling naman si daddy.
"Nope. Go upstairs and thank your sister." Halos maduwal na naman ako sa sinabi ni daddy. Putcha naman oh!
"Responsibilidad na naman natin!" Bulong ko. Umalis na sila daddy. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta ni mommy.
"Umakyat na lang tayo! Ang dami niyo na namang sinasabi." At dahil panganay siya, kailangan namin siyang sundin. Umakyat kami sa kwarto ni Isany.
"Hindi na nga ako nagsumbong kay daddy kasi ayaw kong nakikita silang napaparusahan! Kasalanan ko naman 'yon, Chase!" Sigaw ni Isany sa loob. Nanggigigil talaga ako dahil hindi naman dapat kami nandito!
"Alam mo naman kasing ginagawa ko ang lahat para magustuhan nila ako, hindi ba? Ang hirap naman kasi kapag gan'on! Alam kong nahihirapan na ako sa mga ginagawa nila pero hindi ko pa rin naman matitiis na gan'on ang nangyayari sa kanila dahil sa akin." Wala na akong panahon para pakinggan pa ang mga kadramahan niya kaya binuksan ko na kaagad ang pintuan. Napatingin siya sa amin.
"Thank you." Sabay sabay naming sabi pero halos walang sincerity ang mga iyon bukod sa kay kuya Joshua.
"Chase... I'll call you back." Binaba niya ang telepono at tumingin sa amin.
"You're welcome." Ngumiti siya sa amin. Maganda naman talaga siya. Kung hindi lang siya inampon ng nanay ko, baka niligawan at nagustuhan ko siya. Kaso nga lang, malas niya at sa amin siya napunta.
Narinig namin ang pag ubo ni daddy sa likod. Gusto ko na talagang umirap dahil alam ko ang gustong mangyari ni daddy. Lumapit si kuya Joshua sa kan'ya at niyakap niya ito.
"Sorry, baby, thank you." Niyakap ni Isany pabalik si kuya Joshua. Napatikhim ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko sa nakita ko. Gusto kong masuka dahil sa sweetness nilang dalawa.
"Tara! Let's go to the beach!" Sa likod ng bahay na ito ay tabing dagat na kaagad kaya naman madali lang ang access n'on.
~
Mike's Point of View
Nakakainis si kuya Joshua. Plano niya, atras niya. Siya pa naman ang panganay sa amin pero siya rin ang unang bumigay sa mga kalokohan ni Isany. Alam ko naman na sinusubukan lang ni Isany kunin ang mga loob namin, nagtagumpay siya kay kuya Joshua.
"Ready na kami, mommy." Sabay sabay na sabi namin. Excited ako dahil sa beach kami pupunta. May naiisip na naman akong kalokohan pero hindi ko pa sinasabi sa iba.
"Tara na, pumunta na tayo sa beach." Sabi ni mommy. Kan'ya kan'yang kuha kami ng mga gamit namin, sunblock, mga goggles at kung ano ano pa.
"Baby, give me your bag." May dalang bag si Isany na naglalaman ng ibang mga gagamitin niya. Mag bibilad kasi siya sa araw at may dala siyang mat. Tapos mga sunblock din at iba pa.
"Ayos lang, kuya. Kuya kita at hindi kita alalay." Ngumiti si Isany at dumiretso na sa labas.
"Kuya!" Naiiritang tawag ko sa kan'ya. Pagod siyang tumingin sa akin.
"Tigilan niyo na ako. Ayoko na! Magiging mabait na ako kay Isany. Hindi pa ba kayo nadadala sa nangyari? Wala na kayong magagawa kung gan'to talaga ang turing nila mommy sa kan'ya! Kung gusto niyo pa ring tumuloy, bahala na kayo, basta ako, ayoko na." Lumabas na rin si kuya Joshua. I raised my middle finger from where he exited.
"Kuya Mike!" Sigaw na tawag sa akin n'ong dalawa, halatang naiinis din sa nangyayari sa kapatid naming siraulo.
"Wala tayong gagawin, guys." Nasabi ko na lang. Sinamaan nila akong dalawa ng tingin kaya sinuklian ko rin sila ng masamang tingin.
"Anong wala tayong gagawin? Bumibigay ka na rin ba?!" Tanong ni Edison kaya naman kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi ng isang ito?
"Anong pinagsasabi mo? Ang sabi ko, wala tayong gagawin patungkol kay kuya Joshua. Mag focus lang tayo kay Isany dahil siya lang naman talaga ang main subject natin. 'Wag niyong problemahin si kuya Joshua dahil magbabago rin ang isip niyan ulit, soon." Tumango tango silang dalawa sa sinabi ko.
"So, anong plano natin?" Hindi na namin sasabihin kay kuya Joshua ang lahat dahil panigurado, hindi na naman papayag ang isang iyon. Mas mabuti na kami na lang ang magplano ng mga kalokohan namin at 'wag na siyang idamay pa.
"Ang alam ko, maraming alimango sa beach na ito. Kaya med'yo kilala ang isang ito at tourist spot siya dahil d'on. Nagkataon lang na sakop natin ang private part na ito kaya wala mas'yadong tao. Alam niyo na, manghuli kayo ng alimango, ako na sa plano." Ngumiti silang dalawa sa akin. Kampon ng kadiliman talaga ang dalawang ito!
Lumabas na rin kami at nilakad ang distansya kung nasaan ang iba. Tumakbo ang dalawa kong kapatid. Halatang ginagawa na ang plano ko. Ngumisi ako at pumunta sa kung nasaan sila Isany. Kasama niya si kuya Joshua kaya hindi ko ito malapitan dahil pilit na nilalayo ni kuya Joshua ang kapatid niya.
"Isany, mag s-swim ka na ba?" Tanong ni mommy, umiling naman si Isany. Nakasuot pa siya ng isang malaking t-shirt na hanggang tuhod niya. Pantakip sa kung ano man ang suot niya sa loob. Napailing na lang ako dahil mukhang hindi ko talaga malalapitan ang isang ito sa ngayon.
Nakita ko sina Jacob na nakakita na ng alimango sa gilid, med'yo malayo sa puwesto namin kaya naman napangiti ako.
Nawala nga si kuya, tuloy pa rin naman ang plano. Walang magbabago. I will make you proud, kuya.