Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Napabuntonghininga ako nang nakaramdam nang mabigat na nakadagan sa baywang ko. Natigilan na lang ako nang mapansing nakayakap ang braso ni Xanthos do'n. Napatingin ako kay Xanthos na nakapikit pa rin. Minsan ko lang siya makitang tulog na ganito. Nasabi rin sa 'kin noon ni Cadence na hirap makatulog si Xanthos at madalas hindi na lang siya natutulog. I bit my lower lip and just stared at his sleeping face. Nahiya ang pilikmata ko sa kanya, mas mahaba pa yata ang sa kanya kaysa sa akin. Sa lahat ng lalaki, sa kanya ko lang nakita na bagay ang gano'ng pilikmata. I gently touched his clean shaved jaw. He's always leaving stubbles on his face before. Pero nasabi ni Xiana na ayaw n'ya ang may gano'n sa mukha ni Xanthos kaya siguro lagi na siyang na

