"If you love him, why did you break up with him?" Xanthos asked. "Narinig mo naman, 'di ba? Ayaw sa 'kin ng parents ni Archer lalo ng nanay n'ya... Pinagsalitaan din ng nanay n'ya ng masasakit ang kambal. Nandoon ang kambal ng mga oras na 'yon at naiinis pa rin ako kapag naaalala ko," sabi ko na lang at napatingin sa dumidilim na langit. Hindi nga talaga ako iniwan dito ni Xanthos hanggang sa tumigil na ako sa pag-iyak. Hindi siya nagsalita habang naiyak ako at nasa tabi ko lang. Marahil hindi n'ya alam ang sasabihin pero malaking bagay na ang pananatili n'ya sa tabi ko. "Ano'ng sinabi n'ya sa mga anak ko?" nakakunot noong tanong ni Xanthos. Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko nang sumama ang tingin n'ya. "Ahm, d-don't worry... Tinapunan ko naman siya ng asin pagkatapos no'n at ipin

