"Xanthos, I can go alone. I know you're not ready to see him yet." Napailing si Xanthos sa sinabi ko saka dinampian ng halik ang likod ng palad ko. "I'll go with you, Kiara. I can do this." Xanthos smiled at me and intertwined our fingers. Napatitig na lang ako sa kanya. Alam kong ngumingiti lang siya sa 'kin pero hindi magagawang makapagsinungaling ng nanginginig n'yang kamay. Nakalabas na ngayon ng kulungan si Dad at balak naming magkita. Unofficial ang kaso ni Dad at wala rin naman siyang napakitang ebidensya sa mga sinabi n'yang kasalanan n'ya kaya nasabi sa 'kin ni manang na hesitant ang mga pulis na ikulong siya noon... alam kong ipinakulong ni Dad ang sarili n'ya dahil sa akin. Pero sana... sana pinagdusahan na n'ya ang naging kasalanan n'ya kay Xanthos at sa nanay nito. Alam ko

