Xanthos Archante Wala akong pakialam kahit pa habang buhay pa kaming mamuhay ng mahirap, wala akong pakialam kahit minsan wala kaming makain, wala akong pakialam sa kahit anong sitwasyon... basta kasama namin si nanay. Lahat kakayanin ko. "Nay, nasaan po ang tatay namin ni Xanthos?" Napatingin kami ni nanay kay Xceron na abala sa paggawa ng pamaypay. Naiinis na binato ko siya ng basahan na nasa tabi ko. "Sabing tawagin mo 'kong kuya, e!" sabi ko na lang para malayo ang usapan sa tatay namin. "Nay, tingnan n'yo naman po si Ronron, hindi na po nakakatuwa," paghihimutok ko. "Eh bakit mo ba kasi ako tinatawag na Ronron? Ang ganda ganda ng pangalan ko, e," nakangusong sabi ni Xceron saka binato ako ng pamaypay. Natawa na lang si nanay habang pinapanood kami. Napatigil siya sa paggawa ng p

