"Thank you." Xceron just gave me a small smile and nodded. Sinenyasan n'ya na lang ako na pumasok na sa loob ng mansyon. Sumakay na rin siya sa kotse n'ya at agad pinaharurot 'yon. Napabuntonghininga na lang ako at pinindot ang doorbell. Saglit lang akong naghintay at pinagbuksan agad ako ni Manang Lanie. Nanlaki ang mga mata n'ya nang makita ako. "Nako naman, hija! Buti dumating ka na, bakit naman ngayon ka lang umuwi? Nag-alala ako sa 'yo." Mukhang hindi alam ni manang ang totoong nangyari. Mas okay na 'yon, ayoko rin naman na mag-alala siya. "Halika na sa loob," sabi ni manang at iginiya na 'ko sa mansyon. My footsteps are heavy as I walk my way inside the house. The house felt empty. Nawala na ang mga katulong at guard pati na rin ang ilan naming gamit. Hindi na ako nagulat, alam

