"Hi, Ma'am Aguas!" Lumingon ako para tingnan kung sino ang unang colleague ko rito sa Stratosight Marketing Corporation na personal na pumunta sa opisina ko para bumati. And what I saw instantly made me smile. It's a guy. Matangkad, payat, maputi. Naka-slacks at pink na polo na neatly tucked in. He looked very formal sa unang tingin — until your gaze lands on his lips. Makintab at mamula-mula, na para bang may sariling spotlight sa ilalim ng LED lights ng office. May lip gloss. And there’s something about his voice — mataas, singkanta ng mga mataray na boses ng mga character sa teleserye. Hindi mo agad mapagkakamalan, but then again, he carried himself with such flair na wala ka nang ibang pwedeng isipin. "Uhm, hi!" I greeted back, trying not to let my amusement show too much. "Sorry

