Binigyan naman ni Lala si Abby ng maiinom at inabot niya ito sa kaibigan. "Heto.." "Thanks!" pasasalamat ni Abby pero hindi muna niya ininum dahil kumakain pa ito. Inilapag lang niya ang baso sa mesa at nagpatuloy sa pagkain. Ang hindi alam niya na may pampatulog ang inuming iyon. Natahimik si Lala at naiinip sa pag-inom ni Abby. Hinihintay niya na iinumin ng kaibigan ang binigay na inumin. Napapatanong siya sa kanyang sarili, "Kailan ba niya iinumin? Haist. Kainis naman!" Hanggang sumama ang pakiramdam ni Lala at agad itong umalis sa mesa. Naduduwal ito. Napatingin lahat sila kay Lala na nagtungo sa may bato upang sumuka. "Anong nangyayari kay Lala?" Tumayo si Maggie. "Pupuntahan ko muna siya. Kumain lang kayo!" Pinuntahan niya ang kaibigan. Nag-aalala naman si Jerrick sa kasinta

