Chapter 3

1109 Words
Finn Gumising ako nang may matinding sakit ng ulo. Parang binibiyak. Napahawak ako sa buhok ko at hinila para mabawasan ng kaunti ang sakit ng ulo na nararamdaman ko. “Buti gising ka na pre, Kanina pa kita hinihintay magising” hindi ko napansin na nakapasok si Noah sa loob ng kwarto ko. Awtomatikong napakunot ang noo dahil hindi ko pinapahawak kanino ang susi ng apartment ko kahit na kaibigan ko siya wala akong balak ipahawak sa kanya ang susi ng apartment ko. Nilibot ko ang aking mga mata sa loob ng kwarto. “Nasaan ako?” tanong ko nang makumperma na hindi ko ito apartment. “Nasa condo ka nang pinsan ko” “Bak-” naputol ang sasabihin ko. “Mamaya mo nalang ako tanungin, nasusunog na kasi yung niluluto ko” pagsabi niya non ay tumakbo ito palabas ng kwarto. Pagkatayo ko ay napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ng hilo. Bwesit na Hangover. Pumasok ako sa banyo na nandito sa kwarto. Naghilamos at nagmumog lang ako. Pagkalabas ko ay naabutan ko si Noah na nag hahain na. Naglakad ako patungo sa kanya. “Oh sa wakas bumangon ka narin” sabi nito at patuloy sa paghahain. “Anong nangyari kagabi?” tanong ko. Nang matapos ito sa paghahain ay umupo kaya umupo narin ako. “Sobra kang nalasing kagabe, halos kaladkarin na kita eh pati alam mo ba nakakahiya yung pinagsasabi mo sa elevator” turan nito, saka sumandok ng kanin. Sumandok ako kaunting kanin pati ulam. “May nasabi ba akong hindi maganda or may minura ba akong tao?” kunot noo kong tanong. Baka may sinabi akong hindi maganda sa ibang tao. Mahirap na. Marami kasing lamang pagkain ang bibig kaya hindi makapag salita kaya iling ang sagot nito sa tanong ko. Nang malunok ang lamang pagkain sa bibig ay ngumiwi ito. “Pre alam ko tigang ka pero huwag mo namang ipalandakan” “Huh?” wala akong naintindihan sa sinasabi niya. “Syempre hindi mo maalala kasi may hangover ka pa pero maya maya maaalala mo rin.” Nagkibit balikat na lamang ako. “Papasok ka ba ngayon?” tanong ni Noah. Tumango ako bilang sagot. “Balak ko sanang hindi pumasok dahil alam kong may hangover ka pa pero since papasok ka ay papasok narin ako.” Nang matapos kumain ay nagpaalam na ako dahil kailangan kong umuwi. Kailangan kong pumasok kahit late na. Ayokong manatili sa apartment at ang gagawin lang ay matutulog at kumain. Nang makalabas ng condo ay dumiretso ako sa gitnang elevator na nakabukas. Pagkapindot ko sa button ay pumwesto ako malapit sa handrails ng elevator. Habang naghihintay sa pagbaba ng elevator ay biglang pumasok na imahe sa isip ko. Tungkol sa nangyari kagabi. Naalala ko ay naisipan naming mag inuman kaming magkakatrabaho para icelebrate dahil natapos namin ang lahat ng reports and important documents nakakailanganin. Hindi bago sa akin ito dahil laging ganto ang nangyayari kapag natapos namin ang mga reports ng mas maaga. Si Manager Manalo ang laging may sagot sa iinumin naming alak pati narin pulutan. Pero hindi lagi nakakasama sa celebration si Manager Manalo because of his age. Matanda na daw siya and para na raw humaba ang buhay kaya tinigil niya na ang pag inom ng alak. “Finn oh” bumalik ako sa realidad ng magsalita sa tabi ko si Trisha. Tanggap ko ang beer na inabot niya sa akin. “Thanks” maikli kong turan. Ngumoso ito na parang pato. “Ang serious mo naman” bahagyang hinampas ang balikat ko. Nagsimula ito sa pagkukuwento ng kung ano ano habang ako ay umiinom ng beer na binigay niya. Nakailang beer ako bago ko maramdaman ang tawag ng kalikasan. Nahinto ito sa pagkukuwento ng tumayo ako. “Uy saan ka pupunta?” “Cr” hindi na ako naligaw sa papunta sa banyo dahil maliit lang naman itong beer house na pinuntahan namin. Kaya madali lang makita kung asan ang banyo. Nang matapos ay pumunta ako sa table namin. Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Katabi ko parin si Trisha pero katabi ko narin si Noah. Siguro ay nakipagpalit siya ng upuan. Umorder sila nang apat na case ng isang kilalang beer. Hindi nagtagal ay naubos namin ang laman ng tatlong case ng beer. Halos lahat kami ay lasing na, yung iba ay nakadukdok na ang mukha sa lamesa. Maliban kila Noah pati Harry dahil hindi sila masyadong uminom kaya sigurado akong hindi pa sila lasing. Habang ako nakayuko dahil kalasingan. “Ako na ang maghahatid sa mga 'to Noah, ihatid mo nalang si Finn” rinig kong anya ni harry. “Sigurado ka? Kaya mo sila ihatid” hindi ko na marinig ang iba pa nilang pinag usapan. Gusto ko nang magpahinga. Inalalayan ako ni Noah sa pagtayo. Hindi ko na masyadong matandaan ang ibang nangyari maliban nalang sa pagsusuka ko sa basurahan na malapit sa harap ng condominium building at pagsakay namin ng elevator. Napatampal ako sa aking noo nang maalala ko ang mga sinabi ko sa loob ng elevator. Nakakahiya lalo na sa babaeng kasabay namin. Sh-t. Napukaw ang atensyon ko nang tumunog ang elevator. Mabilis akong lumabas sa Condominium building at sumakay ng taxi. Sinabi ko sa driver ang address. Makalipas ang ilang minutong biyahe ay nakarating na kami sa apartment ko. Binigay ko ang bayad at tumungo na sa harap ng apartment ko. Kinuha ko ang susi at binuksan ito. Nang makapasok ay sinara ko ang pinto at kumuha ng tuwalya para maligo. Habang nagbubuhos ay tumigil ang aking mga mata sa peklat na nasa braso ko. Mabilis akong umiling ayokong maalala ang mga nangyari sa nakaraan. Pagkatapos kong maligo ay binuksan ko ang plastic na cabinet na binili ko nung unang sahod ko. Nakaayos na ang susuotin ko sa araw araw kaya hindi na ako nahirapan kunin ang dapat kong kunin. Pagkabihis ko ay inayos ko ang aking sarili. Bago umalis. Pagkarating ko sa company ay dumiretso ako sa pasakay sa elevator. Nang huminto ito sa 14th Floor na siyang opisina ng sale and marketing. Pagkapasok ko ay sinalubong ako ni manager Manalo. “Late ka rin Mr. Castrillo” kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sir Manalo. So its mean na lahat kami late. “Yes, Lahat kayo late” nakahinga ako nang maluwag. “Pumunta ka na sa cubicle mo” Sinimulan ko na ang pagcheck nung bagong sales report at mga documents. Huminto lang ako nang yayain ako ni Noah ng lunch. Sabay kaming sumakay ng elevator. “Kumusta naalala mo na?” alam ko kung ano yung tinutukoy niya. “No” tanggi ko. Ayoko ng alalahanin yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD