Nag-pop si Nitz sa sala kasama si Rain. "Posibleng sa loob ng isang linggo." Napakamot sa ulo si Cory. "Kung ganoon, saang lugar lalabas ang portal?" Napabuntong hininga si Nitz. "No idea." Bagsak ang balikat nilang lahat. Nanlumo si Fin. Paano kung magbukas 'yon sa North Pole? Tsk. Buntis pa naman ang Mama ko. Kakayanin ba niyang mag-teleport mula doon hanggang dito? Saka paano kung may amnesia pa rin siya? Eh 'di hindi siya makakapag-teleport? Haist! Tumayo na ang Tita Nitz nila. "Magpahinga na kayo. Dylan, ipapahatid na ulit kita at baka hinahanap ka na sa inyo." Hinatid ulit ni Rain si Dylan sa mansion nila. Hindi pa rin nito natututunan ang Berbo. Siguro dahil nahihilo pa rin siyang gamitin 'yon. AHU Campus Nasa hospital pa rin daw ang nasaksak na kaklase nila, samantalang wala

