"Since napag-aralan n'yo na ang tapping, releasing, covering at blocking. We will proceed to Berbo." Si Delfin naman ang magtuturo this time. Pumalakpak si Franz. "Sa wakas! Mapapakinabangan ko 'yang teleport na 'yan 'pag male-late na ko sa school! Yes!" Hyper na namang sabi nito. "Hmm. Yes, 'yan ang advantage ng Berbo. Napapakinabangan ko 'yan sa ganyan." Pilyong ngiti ng pinsan nilang Whitelighter. Nag-high five pa ang dalawa. Magkakasundo talaga sila ni Franz pagdating sa kalokohan. "Okay, serious na. Ipapaliwanag ko how it works." Nag-isip ito kung paano isi-simplify ang pagpapaliwanag. "Can you see our Nipa Hut?" "Yes." "Normally, how long it will take you or how may steps do you need to get there?" "Hmm ... 150 steps or more?" Sagot ni Fin. "Most likely yes. Now. Try to walk t

